HomeCommentaryMaaari bang mag-endorso ang pari ng mga kandidato?

Maaari bang mag-endorso ang pari ng mga kandidato?

Ang hindi maka-Kristiyanong opsyon ay ang pagiging “neutral” sa harap ng walang habas na kawalang hustisya at paulit-ulit na pagsisinungaling

Nasagot ko na ang mga ito ng detalyado sa iba pang gawa. Ang ilang ideya dito ay mula sa artikulong iyon:  

Ang probisyon ng Canon Law 287, par 1: “Most especially, clerics are always to foster the peace and harmony based on justice which are to be observed among people; §2: They are not to have an active part in political parties and in governing labor unions unless, in the judgment of competent ecclesiastical authority, the protection of the rights of the Church or the promotion of the common good requires it.” 

Una, ang kasalukuyang tanong ay patungkol lamang sa pag-endorso ng mga kaparian, hindi ang pagiging kabilang sa isang partidong pulitikal. Kahit ang Canon 287 §2 ay nagbibigay permiso sa mga pari na makilahok sa partidong pulitikal kung ang mga kadahilanang inilahad sa Canon Law ay kanyang matupad. 



Ikalawa, sabihin na natin na ang pari ang siyang sentro ng pagkakaisa ng komunidad, ang kapayapaang iyon ay totoo lamang kung ito ay ayon sa katarungan. Kapag ang katarungan at dignidad ay lubusang nalabag, ang kapayapaan at pagkakaisa na pinagsusumikapang mapanatili ng pari ay isang pagkukunwari at isang paglilihim na karahasan laban sa mga biktima.

Kapag libo-libo na ang napatay, pinahirapan o ikinulong noong panahon ng Martial Law o kaya’y sa War on Drugs na ipinagpapatuloy ng mga nasa pamahalaan; kapag ang pandarambong at korapsyon ay lantaran nang nakaka-apekto sa buhay ng marami, noong Martial Law at maging nitong panahon ng pandemya, o kaya ay kung ang kasaysayan ay pinapalitan ng paulit-ulit na kasinungalingan upang pawiin sa alaala ng mga tao ang mga kalupitan, na siyang tinututulan ng CBCP, tayo ay hinihimok na manindigan laban sa mga kasamaang ito bilang mga makabagong propeta ng ating panahon.

Ikatlo, ang probisyong ito ay may angking exception: “MALIBAN kung sa hatol ng may kakayahang magpasya sa ngalan ng Simbahan, ang pangangalaga sa karapatan ng Simbahan o ang pagsusulong ng kapakanan ng lahat ay kinakailangan ito.”

Hindi ang “kakayahan ng Simbahan ang nanganganib”, sabi ng isang manunulat. Naninindigan ang Simbahan hindi upang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit upang ipagtanggol ang sambayanan ng Diyos na siyang apektado. Ang maka-Diyos na mga pagpapahalaga tulad ng dangal ng tao, katarungan, katotohanan o kapakanan ng lahat ang siyang nakataya at ang “transcendent nature of the human person” ang siyang nalalabag—na siyang kailangang ipagtanggol ng Simbahan mula sa pulitika, tulad ng paanyaya ng Vatican II (GS 72). Hindi ko alam kung sino sa mga miyembro ng kaparian o ng mga religious na nasa tamang kaisipan ang maaaring itanggi ang mga kalupitang nangyari o nangyayari.

- Newsletter -

Ikaapat, sino ang may “kakayahang magpasya” o “competent authority” na maaring magtibay ng magbigay-hatol? Ang mga Obispo ng bawat diyosesis at/o ang Superior ng bawat religious congregation. Kaya nga ang bawat desisyon ay dapat resulta ng pangkalahatang discernment process sa diyosesis o religious community, na matapat na hinarap ang kanilang sarili ng mga konkretong sitwasyon at mga pagpapahalaga ng Gospel. Bigyang diin natin na tayo ay nasa napakamahalaga at abnormal na kalagayan ngayon. Ang ating mga Obispo ay humaharap sa “lantaran at patagong pagbaluktot, pagmamanipula, pagtatakip at pag-abuso sa katotohanan”, ang mga “pag-abuso sa karapatang pantao, mga biktima, ang korapsyon, ang malalang pangungutang at pagbulusok ng ekonomiya ng bansa dahil sa diktadurya”, na dokumentado. Sabi nila, “Ito ay lubhang seryoso!” Ang awtoridad na may “kakayahang magpasya” at ang kaparian ay dapat na gawing batayan ang mga ito sa kanilang pagkilatis at pagdedesisyon. 

Ikalima, ang pamantayan ng Gospel at ng Catholic Social Teaching ay dapat na malinaw na basehan ng discernment process. Ang pamantayan ay dapat na malinaw, ang ilan sa mga ito ay nabanggit na kanina. Ang mga mamamayan ay dapat na ibatay ang pagbasa sa sitwasyon at ang discernment process ay dapat na sama-samang tahakin nang may kabukasan at katapatan.  

Matapos ito, ang ilan ay maaaring piliing maging non-partisan at ilaan ang kanilang sarili upang tulungan ang kanilang mga parokyano na pumili nang maayos ayon sa pamantayan ng Gospel. O kaya, pwede rin nilang pangunahan ang PPCRV sa kanilang mga parokya upang matiyak ang wastong pagbilang ng mga boto. Ito ang piniling gawin ng maraming religious noong 1986 Snap Elections. Sa totoo, marami sa mga pari at religious ang nagtaya ng kanilang buhay upang mapangalagaan ang mga balota.

Subalit ang iba ay maaari ring mag-desisyon na hayagan sa pagendorso at sa pangangampanya. Tulad ng sabi natin, ito ay binigyang pansin na ng Canon Law. Maaaring magkaroon ng maraming pagpipilian depende sa resulta ng maayos na discernment process. At ang mga ito ay dapat igalang. 

Ang hindi maka-Kristiyanong opsyon ay ang pagiging “neutral” sa harap ng walang habas na kawalang hustisya, paulit-ulit na pagsisinungaling, at lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ang pagtahimik ay pakikisabwat.

Isinalin mula sa Ingles ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Si Father Daniel Franklin Pilario, C.M. ay isang theologian, professor, at pastor ng urban poor community sa Payatas. Siya rin ay Vincentian Chair for Social Justice sa St. John’s University sa New York.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest