HomeCommentaryAno ang ginagampanan at kakayahan ng Simbahan sa pulitika?

Ano ang ginagampanan at kakayahan ng Simbahan sa pulitika?

Kapag ang mga mandarambong ay nakakalaya at nakakakandidato sa eleksyon gamit ang salapi na ninakaw sa bayan, dapat na magsalita ang Simbahan

Ang Gaudium et Spes 76 (at ang Canon 2245 na sumipi lamang dito) ay binigyang-linaw ang ginagampanan ng Simbahan sa larangan ng pulitika.

Sa isang pluralistic society, dapat na batid ng Simbahan ang kanyang kakayahan. Ito ay hindi dapat kaugnay sa kahit anong pamamaraan sa isang political community o kaya ay nakatali sa anumang political system, dahil ito ay “isang tanda at tagapangalaga ng transcendent na karakter ng isang tao.” 

Marapat na iginagalang nito ang pagsasarili at kalayaan ng larangan ng pulitika. Subalit kasunod nito, ang Simbahan ay dapat na “pagyamanin ang pagkakaugnay sa pagitan ng kanilang sarili na ipinapalagay ayon sa panahon at ispasyo,” para sa mas epektibong paglilingkod sa mga mamamayan.



“Ang Simbahan ay dapat na magkaroon ng kalayaan upang ipahayag ang pananampalataya, upang ituro ang kanyang social doctrine, upang isakatuparan ang kanyang malayang gampanin sa lahat, at mag-alok ng kanyang moral na paninindigan sa mga usaping may kinalaman sa kaayusan, lalo kung may kinalaman sa karapatan ng mga tao o kaya ay sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.     

Kung ang Gospel values ay nakataya, kapag ang mga tao ay pinapatay ng Estado, kung ang dignidad ng mga mamamayan ay nilalabag, kapag ang mga mandarambong ay nakakalaya at nakakakandidato sa eleksyon gamit ang salapi na ninakaw sa bayan, at kung ang kasaysayan ay pinapalitan upang itanggi ang mga kalapastanganan, dapat na magsalita ang Simbahan.

Muli, dapat nating tandaan: ito ay buong Simbahan na parehong institusyon at indibidwal—bilang layko, relihiyoso at kaparian. Sa ganitong paraan, hindi tayo lumalampas sa naitakdang alituntunin; ating pinaninindigan ang nararapat. Sinusundan natin si Hesus. Ginanampanan natin ang ating pagiging Kristiyano. 

Minsan, itong nasambit ni Pope Benedict XVI sa kanyang Liham sa mga Katoliko ng China (2007) ay ginagamit ng ibang manunulat upang patunayan ang parehong punto: “Likewise, therefore, the Catholic Church which is in China does not have a mission to change the structure or administration of the State; rather her mission is to proclaim Christ to men and women, as the Savior of the world, basing herself in carrying out her proper apostolate on the power of God” (No.4).

- Newsletter -

Ang konteksto nito ay GS 76 kung saan naging batayan din ni Pope Benedict XVI. Isa pang sipi mula kay Pope Benedict XVI sa “Deus Caritas Est” sa parehong konteksto: “The Church must not replace the State.” Ang konteksto ng dalawang ito ay tulad ng GS 76 na naipaliwanag na sa itaas.

Ang “Doctrinal Note on Some Questions Regarding the Participation of Catholics in Political Life” buhat sa Congregation of the Doctrine of Faith (CDF) noong November 24, 2002, na siya ring ginagamit ng ilang manunulat upang ipagpilitan ang paghihiwalay ng Simbahan at pulitika ay dapat na unawain sa parehong pagtingin: “It is not the Church’s task to set forth specific political solutions—and even less to propose a single solution as the acceptable one—to temporal questions that God has left to the free and responsible judgment of each person.” 

Kapag ang Simbahan bilang isang katawan, tulad ng CBCP ay namagitan sa buhay-pulitikal ng bansa, hindi ito panghihimasok gamit ang pampulitikang solusyon. Ito ay nagsasalita sa perspektibo ng kanyang kakayahan mula sa perspektibo ng kabutihan at mensahe ng Ebanghelyo. Saad din ng parehong dokumento: ito ay “karapatan ng Simbahan at tungkulin na magbigay ng moral judgment sa mga usapin kung ito ay ukol sa pananampalataya o kanyang tungkuling-moral.” 

Kahit ang mga kaparian ay nararapat na magbigay ng moral na paghusga sa mga bagay na may kinalaman sa pulitika at ang mga layko ay nakikilahok sa “active and direct partisan politics,” sa totoong buhay, sabi ng PCP II, ito ay hindi striktong tahasan at absolut.

Sa kabilang banda, ang mga layko, hindi lamang ang mga pari ay nararapat na kumilatis at magturo ng moralidad sa ating sitwasyong pulitikal. Sa kabilang banda, lahat ng Kristiyano at ang buong Simbahan—mga pari, relihiyosong babae man o lalaki, at mga layko—ay nararapat na makilahok sa larangan ng pulitika kapag ang mga Gospel values ay nakataya: “The requirements of the Gospel in regard to human dignity, justice, charity, the common good, cannot be sacrificed on the flimsy pretext that ‘the Church does not engage in politics’. Maliwanag na ang ibig sabihin nito ay ang kaparian at layko ay dapat na kalahok sa pulitika kung ang moralidad at turo ng Ebanghelyo ang nakataya. (PCP II, 343-344).

Ang Vatican II at ang iba pang katuruan ay hindi dapat na gamitin upang isulong ang dualistic na pananaw ng Simbahan at pulitika. Ipinakita natin na sa kabila ng paggalang sa kakayahan at otonomiya ng bawat isa (Simbahan at pulitika), ang dalawang ito ay malayong maging hiwalay. Sa kabaligtaran pa nga, ang mga katuruan ay nag-uutos patungo sa buong Simbahan at ang kanyang tungkuling partisan para sa katotohanan, dignidad at katarungan.

Ang baluktot na paggamit ng mga ito upang patunayan ang posisyon ay tinatawag na “proof texting” kung saan ang makalumang panuntunang teolohiya ay kabilang. Batid din nating ito ay walang mainam na madudulot sa Simbahan sa ating panahon.

Ang parehong mga pangaral ay hindi maaaring ipangatwiran upang labanan ang “political partisanship” ng mga kaparian. Maling ipakahulugan lamang ito para sa mga pari sapagkat mag-aanyo itong klerikalismo. Ang mga nasulat ay patungkol sa Simbahan bilang kabuuan.

Marahil ay kailangan nating maghanap ng iba pang mga basehan kung nais nating pagusapan ang “partisan political participation” ng kaparian.

Isinalin mula sa Ingles ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Si Father Daniel Franklin Pilario, C.M. ay isang theologian, professor, at pastor ng urban poor community sa Payatas. Siya rin ay Vincentian Chair for Social Justice sa St. John’s University sa New York.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest