HomeCommentaryBALIK-TANAW: Kalayaang kaloob ni Kristo

BALIK-TANAW: Kalayaang kaloob ni Kristo

Out of the night that covers me,
Black as the Pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeoning’s of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds, and shall find, me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll.
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul

Ang tulang ito na may pamagat na “Invictus” na isinulat ni William Ernest Henley, isang manunulat na Ingles mula sa England noong 1800.  Ang tulang ito ay nagbigay daw ng inspirasyon sa kauna-unahang black president ng South Africa na si Nelson Mandela upang magpatuloy sa kanyang adbokasiya sa usaping pagkakapantay-pantay at kalayaan ng mga tao. Kaya hinahangaan din daw ng nasabing presidente si Moises bilang instrumento ng Diyos sa usaping pagpapalaya sa kanyang bayan sa kamay ng mga dayuhang Ehipto.

Sabi nga ng sumulat ng tula, “I am the master of my fate; I am the captain of my soul”



May ibang mga tao ang nabubuhay na parang pa-victim mode: “Lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ay iginuhit at nakaukit na sa tadhana”… “Wala na tayong magagawa dahil iyan ang nakatadhana.” Sinasabi na ang ganitong mga kaisipan ay impluwensya mula sa mga napapanood nating teleserye, na ang iba pa ay inisip na kwento nang buhay nila ang  kanilang napapanood kaya pareho din ng ending ang kanilang inaasahan sa dulo. Baka naman nakulong na tayo sa mga buhay ng mga bidang karakter sa mga teleserye na ating na napapanood at hindi na din natin alam kung paano tayo makakalaya duon.

Ganunpaman, may ilan din naman sa atin ang hindi na-iimpluwensyahan sa ganitong kaisipan sa pagtingin sa buhay. Sila yung mga taong hindi nagpakulong sa kalagayan ng buhay simula ng sila ay isinilang; sa mga nakaraang karanasan at sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari  sa kanila. Hindi din nila  hinahayaang iba ang magdikta ng buhay nila sa hinaharap, sapagkat naniniwala sila na “They are the master of their fate and the captains of their souls”. Masasabi na sila talaga ang mga tunay na  “survivors” sa ganitong pagtingin nila sa buhay. Tunay sila ay malaya.

Mula sa maraming angulo na maaari nating pagnilayan sa mga pagbasa sa linggong ito, nais kong bigyang pagtingin ang tungkol sa tunay na kalayaan kay Jesus. Sinasaad sa sulat ni San Pablo sa mga taga- Gallacia 5:1 ang ganito, “Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli”. Kaya tayo, bilang kanyang mga tagasunod ay marapat lamang na pahalagahan ang kalayaang ipinagkaloob sa atin ni Jesus na kanyang napagtagumpayan sa pamamagitan nang pag-aalay ng Kanyang sarili.

Sa ating unang pagbasa, kung iniisip ng mga Hudyo nuon na ang ibig sabihin ng kalayaan sa kamay ng mga Ehiptong nagpahirap sa kanila ay wala na silang mga kautusan na dapat sundin, nagkakamali sila. Ang kalayaan nila ay kanilang nakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ni Yahweh, na nagpakilala sa kanila sa pamamagitan ng ibat-ibang palatandaan na nagpalaya sa kanila sa kamay ng mga taong umalipin sa kanila sa Ehipto. Sa pamamagitan ni Moises ay ipinagkatiwala ni Yahweh ang kanyang sampung kautusan upang magsilbi nilang gabay sa anumang uri ng pagkaalipin at upang maramdaman nila ang tunay na kalayaan. Kung wala ang mga kautusang ito na gagabay sa kanila, para lang silang nag- “Change address”, mula Ehipto patungo sa Lupang ipinangako, pero alipin pa rin sila ng ibat ibang uri ng panginoon. Kaya nga may babala sa mga taong hindi susunod sa mga itinuturo ng mga propeta (v. 19) “Sinumang hindi makinig sa kanya na nagsasalita para sa akin ay mananagot sa akin”. Ang pakikinig at pagsunod sa mga ipinangangaral ng mga propetang ipinadala ng Diyos ay nagbibigay ng ibat-ibang uri ng kalayaan sa mga tao. Kapahamakan naman ang naghihintay sa mga taong may katigasan ang puso at ayaw makinig.

- Newsletter -

Kaya nga sa Salmo 95 na ating binasa sa araw na ito ay pinapaalalahan din tayo, (v8) “Iyang inyong puso ay huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong mga magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masah”. Ang pakikinig ay sa pamamagitan ng ating tainga at ang tunay na nakakarinig ay sa pamamagitan ating mga puso. Mayroon sa atin kung sabihin ay taingang-kawali, “narinig” pero hindi “nakinig”. Sa mga Hudyo ang “makinig” ay kasingkahulugan “pagsunod” dahil nauunawaan na ng puso ang mensaheng nais na maiparating. Sa wikang hebreo, ang kasing-kahulugan ng salitang “sumunod” (obey) ay “makinig” (listen). Kaya nga kapag sinabi ng mga Hudyo na “sumunod” ang ginagamit niyang salita ay “makinig” na sa kanilang salita ay “shema”. Kaya nga para sa isang hudyo ang makinig ay sumunod.

Sa ikalawang pagbasa naman ay sinasabi ni Apostol Pablo na ang kalayaan ay ang pagkakaloob ng sarili. Ngunit may kalayaan pa ring pumili ang tao kung ano ang kaya niyang ipagkakaloob. Maaaring pinili niyang ikasal o hindi, tulad nang binabanggit sa pagbasa. Ang ating pagkakaloob ay pagtanggap sa ating kalayaan na magkaloob, at ang kalayaan ding ito ang dapat magpa-igting ng ating kagustuhan na magkaloob.

 Ang kahandaang magkaloob ng isang tao ay isang kongkretong ekspresyon ng kalayaan. Ito ay maaring sumesentro sa halaga nang kakayahang kaya niyang ipagkaloob. Ngunit dahil sa kalayaan, hindi pare-pareho ang kayang ipagkaloob ng isang tao. May mga tao pa nga ang takot na mag-commit. Iyong iba, nanatiling single sa pag-aakalang higit silang malaya kaysa sa mga may asawa. Kaya nga ang paalaala ni San Pablo sa huling bahagi ng pagbasa ay ganito, (v35) “Sinasabi ko ito upang matulungan kayo, hindi ko kayo hinihigpitan;”. Ang kalayaan ng bawat isa sa anumang uri ng pagkaalipin upang makatugon sa paglilingkod ng buong laya ang mahalaga, tayo man ay single or married. Kaya gamitin ang kalayaang ito sa paglilingkod.

Sa ebanghelyo, naka-daupang palad ni Jesus ang isang taong hindi malaya. Isang taong sinasapian ng masamang espiritu. That’s why he is not the master of his fate neither the captain of his soul. Sa kabila nito ay pinalaya siya ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapaalis ng masamang espiritu na sumasanib sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito ay sumikat si Jesus. Kaya marami ang naging fans Niya, pero hindi tagasunod. Marami ang nakarinig ng kanyang mga pangaral pero ilan lang ang nakinig. Marami ang nakakita ng kanyang mga ginagawa, ngunit hindi nakita ng kanilang puso. Kaya nuong paratangan si Jesus at mahatulang mamatay sa krus, ilan din marahil sa mga taong ito ang sumisigaw na “ipako siya sa krus!”

Iniisip ko lang dahil hindi binanggit sa ebanghelyo kung ano ang nangyari sa taong ito na nakalaya sa pagkaalipin sa masamang espiritu. Ginamit ba niya yung kalayaang ipinagkaloob sa kanya ni Jesus upang ipagkaloob ang kanyang sarili sa paglilingkod kay Jesus? Kung hindi, saan niya ginamit ang nasabing kalayaan? Will he finally be the master of His fate and captain of his soul? Tayong nakilala si Jesus at pinalaya sa pagkaalipin sa kasalanan ay tinatanong din ng ganitong mga katanungan.

Ang kasagutan ay nababatay sa kung paano natin ginamit ang kalayaang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kaya baguhin natin ng kaunti ang bahaging ito ng tula: I am the master of my fate: I am the captain of my soul….I place my fate in the hands of Jesus. He is the captain of my soul! May kalayaan tayong baguhin ang ating buhay ngunit mawawalan ito ng saysay at direksyon kung hindi ito nakabatay sa kalayaang kaloob ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang mapagpalayang mga katuruan. AMEN!

Gospel reflection of Rev. Mary Grace Masegman, Kura Paroko, IFI-Parokya ng Sto Nino de Marikina for the 4th Sunday in Ordinary Time, Deut. 18:15-20; 1 Kor. 7:32-35 Awit 95:1-2,6-7,8-9 Mk 1:21-28

Balik-Tanaw is a group blog of the Promotion of Church People’s Response (PCPR). The Lectionary Gospel reflection is an invitation for meditation, contemplation, and action.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest