1. It is a well-researched historical film that will bring you back to the first spark of patriotism that forged the “Filipino” identity that eventually united us Tagalogs, Kapampangans, Ilocanos, Cebuanos, natives, mestizos, criollos and all other inhabitants of these 7k+ islands into one nation in the last quarter of the 19th century.
2. It was produced by the Jesuit Communications Foundation and directed by a young but world-class film director—Jose Lorenzo Diokno, son of Chel Diokno and grandson of the great Filipino patriot Ka Pepe Diokno.
3. It is a gripping retelling of the story of the martyrdom of these three priests from the perspective of a young witness—Jose Rizal y Mercado, who was mentored by his brother Paciano, who in turn was mentored by Padre Jose Burgos, and who, in turn, was also mentored by Padre Pedro Pelaez. The adult Rizal would later dedicate his novel El Filibusterismo to the memory of these priests.
4. It is class A in all regards, in terms of quality as a film production, such as in terms of acting, directing, screenplay, research, cinematography, sounds, etc.
5. It will make you appreciate what it truly means to be a “Filipino.”
TO MOTIVATE YOU FURTHER, ALLOW ME TO REPOST A HOMILY I GAVE ABOUT GOMBURZA :
(On the occasion of the 150th Anniversary of their Martyrdom, last year, February 17, 2022, based on the Gospel text, Mark 8:27-33)
“Ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng matinding pagdurusa. Itatakwil siya ng mga nakatatanda, mga punong pari at ng mga eskriba, at siya’y ipapapatay nila siya, pero sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”
Maganda ang timing ng pagbasang ito dahil nataon sa araw na ito ng Febrero 17, ang ika-isandaan at limampung taong anibersaryo ng kamatayan ng tatlong paring Pilipinong sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, na mas kilala natin bilang GOMBURZA. 72 anyos ang edad ni Gomez, 35 lang si Burgos at 36 si Zamora nang masentensyahan sila ng kamatayan sa garrote sa Bagumbayan.
Binitay sa publiko ang tatlong paring ito ng kolonyal na gobyernong Espanyol dahil sa hindi-totoong paratang na sila ay kasabwat diumano sa nangyaring pag-aaklas sa Cavite (Cavite mutiny). Noon pa man, kahit wala pang social media, talagang uso na rin ang fake news at disinformation. Mas mabilis kumalat ang tsismis at paniwalaan ang kasinungalingan.
Sa totoo lang, kahit naman ang arsobispo ng Maynila at mga kaparian noon ay hindi daw naniwala sa paratang sa tatlong pari. Ngunit pinili ng marami sa kanila na tumahimik na lang dahil alam nilang may ibang dahilan kung bakit ang tatlong paring ito ang pilit na inaakusahan sa isang krimen na hindi nila ginawa.
Ang tunay na dahilan ay dahil malakas ang loob nina Gomburza na magsalita laban sa hindi patas na pagtrato sa mga paring katutubo na noon ay tinatawag na “Indio”. Bukod sa mababa ang tingin sa kanila ng mga purong Kastila, karamihan ay habambuhay na assistant na lang ang inaabot na posisyon sa mga parokya. Ito ang dahilan kung bakit marami sa kanila ang nagsipag-aral at nagpakadalubhasa sa mga unibersidad, para patunayan na matatalino rin ang mga Indio o katutubo, na maaari din silang maging mahusay, matalino, mga banal na pari na mapagkakatiwalaan din sa pagpapastol sa parokya. Si Padre Jose Burgos nga ay may dalawang doctorado: Canon Law at Theology, bukod sa nakatapos din ng kurso sa civil law at naging guro sa UST.
Napakatindi ng nararanasan nilang racist discrimination noon sa loob mismo ng simbahang Katolika na kontrolado pa rin ng mga Prayleng Kastila na masyadong loyalista sa kolonyal na pulitika ng Espanya. Sa tingin nila, ang mga paring katulad nina Gomburza ay delikado dahil makabayan ang dating nila—mataas ang pinag-aralan, matatalino.
Kung minsan, kapag may mga bumabatikos sa mga paring malakas ang loob na manindigan sa tama at totoo sa mga usaping panlipunan, lalo na sa moralidad ng pulitika, natatawa na lang ako kapag tinatawag silang mga Padre Damaso. Siguro mas mabuting Gomburza ang itawag sa kanila.
Hindi yata nila alam na hindi Pilipino ang karakter na Padre Damaso sa nobela ni Jose Rizal, at isang fictional character ito, na nagsilbing parang caricature ito ng ilang mga abusadong Prayleng Kastila (hindi naman lahat) na mas malakas ang loyalty sa kolonyal na gubyerno ng Espanya kaysa sa pananampalatayang Kristiyano.
Sa totoo lang, ang ikalawang nobelang isinulat ng ating pambansang bayani, ang EL FILIBUSTERISMO, ay dedicated sa tatlong paring binitay sa araw na ito. Nagkamali lang si Rizal sa petsa ng pagbitay sa kanila—Febrero 25 (o 28?) ang naisulat niya, hindi Febrero 17. Malay natin na magkakaroon din pala ng makasaysayang kahulugan ang February 25 pagkatapos ng 95 taon? 1891 nang isulat ni Rizal ang Fili, 1986 naman nang mangyari ang people power sa EDSA.
Sa hindi nalalaman ng marami, ang kamatayan ng tatlong paring ito ang naging inspirasyon para sa ating mga bayani na ipaglaban ang karapatan natin bilang mga Pilipino na lumaya na sa gubyernong kolonyal ng mga dayuhang Kastila. Malaki ang naging papel ng mga paring sekular at katutubo sa unti-unting pagmumulat noon ng mga Pilipino sa kanilang likas na dangal bilang mga mamamayan, at sa ating karapatang makilahok sa panlipunang pagbabago.
May mga pari daw noon na gumawa rin naman ng paraan para mapawalang-sala ang tatlong pari. May nagsikap na kumbinsihin sila na mangakong titigil na lang sila sa pagbatikos sa sistemang pinalalaganap sa simbahan ng mga Prayleng Kastila, na pinapanigan ng kolonyal na gubyerno. Ito’y para daw mailigtas nila ang sarili nila sa parusang kamatayan.
Palagay ko, ang diwa ni Kristo ang nanaig sa kanila. Hindi ako magtataka kung ang isinagot ni Padre Burgos sa ganyang suhestiyon ay, “Lumayo kayo sa akin, Satanas!” Katulad ng sinabi ni Hesus kay San Pedro.
Bukod kina Gomburza, maraming iba pang mga pari ang nagdusa at nabilanggo, at ang iba sa kanila ay nasintensyahan din ng kamatayan, bago naganap ang rebolusyon. Sa araw na ito, gusto ko rin silang parangalan at gunitain. Kasama na rin ang mga kapatid nating napilitang humiwalay at magbuo ng isang “Iglesia Filipina Independiente”noon, na mas kilala natin ngayon bilang mga “Aglipayano”, dahil sa tindi ng panunupil ng gubyernong kolonyal sa mga paring lakas-loob na ring nagpapahayag noon ng mga sentimyentong makabayan.
Sa okasyon ng 500th YoC, minabuti ng CBCP na makipagdiyalogo sa mga kapatid natin sa IFI upang hilumin ang mga sugat na idinulot ng kasaysayan sa pagitan nila at ng Simbahang Katolika. Ang araw na ito, gayundin ang Misang ito, ay iniaalay ko sa alaala, hindi lang nina Gomburza, kundi rin ng mga paring nawalay sa simbahang Katolika dahil naniwala sila na hindi tama na paghiwalayin ang kabanalan at kabayanihan.
Bishop Pablo Virgilio David is the prelate of the Diocese of Kalookan and the current President of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.