HomeDiocesan ReportsPagkakaroon ng maayos na lipunan, tungkulin ng Simbahan

Pagkakaroon ng maayos na lipunan, tungkulin ng Simbahan

Tema ng dalawang araw na convention ang “Church and State Collaboration and Conscientious Engagement in Serving the Nation”

Ipaunawa sa mamamayan ang tungkulin ng Simbahan tungo sa pagkakaroon ng maayos na lipunan.

Ito ang layunin ng Episcopal Commission on Public Affairs sa paglulunsad ng 1st National Convention for Public Affairs’ Minister/Coordinator.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng komisyon, mahalagang maunawaan ng mamamayan ang mabuting layunin ng Simbahan sa pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan.

Batid ng obispo na karamihan sa mga tao ay nagagalit sa Simbahan tuwing magpapahayag ng saloobin tungkol sa pamahalaan.



“Lumitaw nga ngayon na maraming dapat iayos, even mentality ng tao. Parang para sa kanila kapag nagsalita ang Simbahan tungkol sa concerns ng government ay nangingialam ang Simbahan,” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunita ang pagiging aktibo ng Simbahan lalo na noong May 2022 national and local elections upang tulungan ang mga tao na makapili ng karapat dapat na ihahalal.

Ngunit iba ang naging pagtingin ng mamamayan tungkol dito at sinabing manatili na lamang ang Simbahan sa pagpapahayag ng Mabuting Balita sa halip na mangialam sa mga gawain ng pamahalaan.

- Newsletter -

Nilinaw naman ni Bishop Evangelista na walang masamang hangarin ang Simbahan sa pagpuna sa mga nangyayari sa lipunan at sa halip ay nais lamang ipabatid ang mga dapat na pagtuunan ng pamahalaan para sa ikabubuti ng nakararami.

Kaya naman sinisikap ng komisyon ang pakikipagtulungan sa pamahalaan upang makatuwang sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

“Kaya dapat may boses ang Simbahan,” ayon kay Bishop Evangelista. “Kung papaano iaayos yun sa mentality ng mga tao, it’s a process,” aniya.

“Of course, yung collaboration nga ng Simbahan sa government para matulungan at ma-promote yung common good para sa society,” dagdag ng obispo.

Tema ng dalawang araw na convention ang “Church and State Collaboration and Conscientious Engagement in Serving the Nation” na naglalayong mas patatagin pa ang ugnayan sa pagitan ng Simbahan at pamahalaan para sa “common good.”

Pinangunahan ni Bishop Evangelista at Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-ECPA, ang pagbubukas sa pagtitipon na dinaluhan naman ng mga obispo at pari mula sa iba’t ibang diyosesis.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest