HomeDiocesan Reports‘World Day of the Poor,’ pinaghahandaan ng Archdiocese of Lipa

‘World Day of the Poor,’ pinaghahandaan ng Archdiocese of Lipa

Ang “World Day of the Poor” ay sinimulang gunitain ng Simbahang Katolika noong 2017

Pinaghahandaan ng Archdiocese of Lipa ang nalalapit na paggunita ng “World Day of the Poor” sa Sept. 23, 2022.

Ayon kay Father Jayson Siapco, director ng Lipa Archdiocesan Social Action Center, magkakaroon ng anim na bahagi ang paggunita sa araw na iyon.

Una sa mga ito ay ang pagtalima ng 65 na parokya sa Archdiocese of Lipa sa pagdaraos ng Jubilee Mass na sabay-sabay isasagawa sa mismong araw ng “World Day of the Poor.”

Susundan ito ng pamamahagi ng mga tulong na pagkain at kagamitan sa mga mahihirap.



“Pero ang maganda dito, no fund will be coming from the archdiocese or from the ministry on social service ng archdiocese kasi ang mechanism dito ay magmumula ang kanilang pondo doon sa kanilang ‘Malasakit Bazaar,’” ayon kay Father Siapco.

Kasabay ito ng pagpapadala sa mga kawani at volunteer ng social action center sa “Mission Caravans” na pupunta sa mga pinakaliblib na kanayunan ng Batangas upang ipaabot ang tulong base sa pangangailangan ng mamamayan.

Maglulunsad din ang social action arm ng arkidiyosesis ng livelihood programs na tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon para bigyan ng kabuhayan ang mga nangangailangan.

- Newsletter -

Kasunod nito ang paglulunsad ng “Pastoral Guide Books” ng arkidiyosesis para sa mga social action ministers ng bawat parokya na laman ang mga paksa sa pagtulong sa mahihirap.

“This time ang gusto naming iparamdam na … ang Simbahan mismo ang pupunta at ang Simbahan ang dadalahin sa kanilang mga tahanan kaya hindi nalang yung tulong kahit mismo yung mga pastoral leaders ng mga parishes, sila mismo ang pupunta sa kanila para mag-conduct ng ibat-ibang services ng Simbahan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas 846 kay Father Siapco.

Bilang paggunita rin sa “World Day of the Poor,” titipunin ng social action centers ang COVID-19 survivors upang alalahanin ang kanilang naging karanasan kasabay ng pananalangin para sa mga kaluluwa ng mga nasawi ng dahil sa pandemya.

Ang “World Day of the Poor” ay sinimulang gunitain ng Simbahang Katolika noong 2017 matapos manawagan si Pope Francis sa bawat isa na paigtingin ang pagtulong sa kapwa higit na sa mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest