HomeNewsMga bagong pari, hinamon ni Archbishop Palma na paigtingin ang pagmimisyon

Mga bagong pari, hinamon ni Archbishop Palma na paigtingin ang pagmimisyon

Hamon ng arsobispo sa kapwa lingkod ng Simbahan ang pagpapaigting sa misyon upang maabot ang bawat komunidad at maiwasang maisantabi ang ilang sektor

Pinaalalahanan ni Archbishop Jose Palma ng Cebu ang mga bagong ordinang pari ng arkidiyosesis na panatilihin ang kababaang-loob at katapatan bilang pastol ng simbahan.

Ito ang habilin ng arsobispo sa limang inordinahang pari na magiging katuwang sa pangangalaga sa humigit kumulang limang milyong katoliko sa Cebu.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na bilang mga pastol sa kawan ng Panginoon nararapat nakahanda silang maglingkod sa pamayanan tulad ng mga halimbawang ipinamalas ni Hesus sa kanyang mga alagad.



“If there is one best picture of a priest, it’s not one who sits on the throne but the one who bends and kneels to wash the feet,” ayon sa arsobispo.

Isa ang Cebu sa may pinakamalaking populasyon ng mga Katoliko sa bansa at mayaman sa bokasyon sapagkat ang lalawigan ang tinaguriang sentro ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil dito inihasik ng mga misyonero ang pananampalataya simula noong 1500s.

Kinilala ang mga bagong pari ng arkidiyosesis na sina Fathers Sanny E. Cantilla, Charles L. Cuizon, Junel B. Fuentes, Elvin I. Lumantas at Dean Marlo T. Mangubat.

Hamon ng arsobispo sa kapwa lingkod ng Simbahan ang pagpapaigting sa misyon upang maabot ang bawat komunidad at maiwasang maisantabi ang ilang sektor.

- Newsletter -

Batay sa datos noong 2019, nasa 614 ang mga paring diocesan at religious sa arkidiyosesis na katuwang ni Archbishop Palma sa pangangasiwa sa 167 na mga parokya.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest