HomeDiocesan ReportsArchdiocese of Palo, nakaagapay sa mga biktima ng bagyong Agaton

Archdiocese of Palo, nakaagapay sa mga biktima ng bagyong Agaton

Umabot sa mahigit 18,000 pamilya ang nasalanta ng bagyong Agaton habang mahigit sa 50 ang naitalang nasawi dahil sa naganap na landslide

Patuloy na nagsasagawa ng pagtulong ang Archdiocese of Palo para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Agaton sa lalawigan ng Leyte.

Ayon kay Father Alcris Badana, direktor ng Caritas Palo, nasa ikalawang bahagi na sila ng paghahatid ng relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyo at landslide partikular na sa bayan ng Abuyog.

Sinabi ni Father Badana na umabot sa mahigit 18,000 pamilya ang nasalanta ng bagyong Agaton habang mahigit sa 50 ang naitalang nasawi dahil sa naganap na landslide.



Nagpahayag ng panalangin at pakikidalamhati ang Arkidiyosesis para sa mga nawalan ng mahal sa buhay kasabay ng pagtitiyak na patuloy silang kikilos upang umagapay sa mga biktima.

Iniulat ng pari na umabot na sa mahigit 500 relief goods ang kanilang inihatid sa mga evacuation camps at parokya na nakakasakop sa mga nasabing lugar na tinamaan ng bagyo.

“We conducted solicitation drive para tulungan [sila] and then meron din tayo naka-stock na dito sa office meron tayo naka prepare para immediately makapag relief operation [tayo],” sabi ni Father Badana sa Radyo Veritas.

“May mga nakatugon naman sa call for donation natin that is why noong Holy Thursday nakapag first wave na kami ng relief [operation],” aniya.

- Newsletter -

Kaugnay nito nagpadala naman ng PhP150,000 na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Arkidiyosesis ng Palo.

Una nang nagpadala ng tulong ang Manila based-social arm ng tig-PhP200,000 piso sa Arkdiyosesis ng Capiz at Diyosesis ng Maasin na kapwa din napinsala ng bagyong Agaton.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest