HomeCommentaryAng mga pari ba ay hindi pinahihintulutang tumakbong kandidato?

Ang mga pari ba ay hindi pinahihintulutang tumakbong kandidato?

Ang pagkandidato sa pampublikong posisyon ay hindi naaayon at nararapat sa kaparian

Ang ilang pahayag ng mga Santo Papa ay tumutukoy din sa pagbabawal na ito.

Ang sumusunod ay pahayag ni Papa Juan Pablo II sa mga kaparian at religious ng Mexico noong Enero 1979: “You are priests and members of religious orders. You are not social directors, political leaders, or functionaries of a temporal power.” 

Marami sa mga pari noong panahong iyon ay tumatakbo sa eleksyon o kaya’y itinatalaga sa posisyon sa maraming lugar sa Latin America, tulad nina Ernesto at Fernando Cardenal, at iba pang lugar.

Ito ang tinutukoy ng pahayag na ito ng Santo Papa upang hindi lumahok sa eleksyon o kaya ay maitalaga sa executive branch ang mga pari. Ang paggamit dito upang ipahayag ang pagsalungat sa pag-endorso ng mga pari at relihiyoso ng mga kandidato at maling pag-ugnay nito sa konteksto.

Ang Canon Law 285, §3 ay binigyang-linaw na ito: “Clerics are forbidden to assume public offices which entail a participation in the exercise of civil power.”

Ibig sabihin, ang pagkandidato sa pampublikong posisyon ay hindi naaayon at nararapat sa kaparian. Dapat din nating tukuyin na ang Konstitusyon ay hindi naman nagbabawal sa pari na tumakbo sa pampublikong posisyon. Ito ay pagbabawal ayon sa batas ng Simbahan, hindi sa batas ng bansa. At kung nais ng pari na tumakbo sa isang posisyon, maliwanag na kailangan niyang bitiwan ang tungkuling pagiging pari.  

Ito ang ipinapakahulugan ng pahayag ng CBCP na: “We have no ambition of appropriating for ourselves your distinct role as laity in the just ordering of society, nor do we intend to usurp the role of the government. We are here to provide moral and spiritual guidance, in accord with our mission of proclaiming the truth from our faith.” (CBCP, The Truth shall Set You Free, 2022).

- Newsletter -

Isinalin mula sa Ingles ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Si Father Daniel Franklin Pilario, C.M. ay isang theologian, professor, at pastor ng urban poor community sa Payatas. Siya rin ay Vincentian Chair for Social Justice sa St. John’s University sa New York.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest