HomeCommentaryNararapat bang makilahok ang Simbahan sa pulitika?

Nararapat bang makilahok ang Simbahan sa pulitika?

Walang ganoong pagbabawal sa Simbahan. Ang totoo, ito ay atas ng Konstitusyon para sa pamahalaan, hindi para sa Simbahan.

Matagal at paulit-ukit na natin itong naririnig: ang Simbahan ay hindi dapat nakikialam sa pulitika dahil ito ay labag sa “paghihiwalay ng Simbahan at Pamahalaan.”

Bigyang-linaw nga natin ito. Walang ganoong pagbabawal sa Simbahan. Ang totoo, ito ay atas ng Konstitusyon para sa pamahalaan, hindi para sa Simbahan.

Una, sinasabi nitong ang pamahalaan ay hindi pwedeng gumawa ng batas na nagtatatag ng relihiyon (Art 3, Sec 5). Ikalawa, hindi maaaring magkaroon ng batas na nagbabawal sa malayang pagsasagawa ng mga bagay kaugnay ng relihiyon (Art 3, Sec 5). Ito ang tinatawag na “non-establishment clause” at ang “free exercise clause.” Ibig sabihin, tanging ang pamahalaan ang maaaring lumabag dito, hindi ang Simbahan o ang anumang taong kaugnay ng Simbahan.



Noong ang Simbahan ay binatikos ni Pangulong Duterte sa umano’y paglabag sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado, akmang sabihin na “they are barking at the wrong tree.”

Sa kabaligtaran nga, gampanin ng mga mamamayan—ang mga Simbahan at kanilang mga miyembro—na punahin ang mga nasa awtoridad kapag pumapabor sila nang higit sa isang religious group o kaya’y binabawalan ang ibang relihiyon sa kanilang malayang pagpapahayag ng pananampalataya.

Sa Fratelli Tutti, sabi ni Papa Francisco: Ang pulitika ay “isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamahal, lalo’t kung naghahangad ito ng kapakanan ng lahat.” (FT 180).

“Ang mabuting Katoliko ay nakikisangkot sa pulitika upang silang mamamahala ay makapamuno nang mahusay.” Hindi ito bago, sapagkat ito’y hango din sa mga nauna pang Santo Papa tulad nina Pius XI at Benedict XVI bilang pahiwatig tungkol sa “political charity.”

- Newsletter -

Ngunit dahil sa malakas na impluwensya sa dalawang pananaw ng Kristiyanong paniniwala patungkol sa pulitika, napansin ko ang iba’t-ibang uri ng Kristiyano sa ating panahon:

  • (a) apolitical Christians – yung mga naniniwala na ang tahanan nila ay ang “langit” at kung ano ang magaganap sa “mundo” ay maliit o walang halaga;
  • (b) neutral Christians – yung mga sumusunod sa minimum na tungkulin tulad ng eleksyon pero itinuturing ito na ‘private affair’; kung ito ay may kaugnayan sa injustice, sila ay neutral.
  • (c) non-neutral but non-partisan – yung mga pumupuna sa paglabag sa karapatang-pantao bilang pagsalungat sa maka-Kristiyanong pagpapahalaga subalit hindi nagbabanggit ng mga pangalan o nag-eendorso ng kandidato;
  • (d) non-neutral and partisan – yung nakikilahok sa mga panlipunan at pulitikal na isyu at kalahok sa partisan politics.

Base sa nakararami sa mga turo ng Simbahan, ang ikatlong uri (non-neutral but non-partisan) ang para sa mga religious at kaparian. Ang ikaapat na uri (non-neutral and partisan) ang dapat ay responsibilidad ng mga layko.

Isinalin mula sa Ingles ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Si Father Daniel Franklin Pilario, C.M. ay isang theologian, professor, at pastor ng urban poor community sa Payatas. Siya rin ay Vincentian Chair for Social Justice sa St. John’s University sa New York.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest