HomeDiocesan ReportsCommunal prayer rally, isasagawa sa National Shrine of St. Padre Pio sa...

Communal prayer rally, isasagawa sa National Shrine of St. Padre Pio sa Lipa

Nakatakda ang "Dasalan sa Batangan para sa Kaliwanagan sa darating na Halalan" sa ika-21 ng Marso mula ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon sa National Shrine of St. Padre Pio, Sto. Tomas Batangas

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ang mananampalataya na makibahagi sa nakatakdang “Dasalan sa Batangan: Kaliwanagan sa Halalan” kung saan isang communal prayer rally ang isasagawa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

Pangungunahan ang gawain ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa na naglalayong hilingin ang paggabay ng Espiritu Santo para sa matalinong pagpili ng sambayanang Filipino sa mga bagong mamumuno sa bansa.

“Sa darating na ika-21 ng Marso sa ganap na ika-isa ng hapon, malugod po namin kayong inaanyayahan sa gaganaping ‘Dasalan sa Batangan para sa Kaliwanagan sa darating na Halalan,'” bahagi ng paanyaya ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa.



Nasasaad sa Aral ng Batangueño at Second Plenary Council of the Philippines na tungkulin ng mga layko na tumulong sa paggabay at pagtuturo sa kanyang kapwa na maging mapanuri at wastong makapili ng mga karapat-dapat na lider.

“Kami ang Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa na naghahangad ng malinis, tapat at mapayapang halalan ay humihingi ng gabay ng Espiritu Santo para sa aming napupusuang mamumuno ng ating bayan,” said sa pahayag ng grupo.

“Ayon na rin sa PCP2 kami palang mga layko na hinubog sa Salita ng Diyos ay may katungkulan na maggabay at tumulong upang turuan ang aming mga kapwa na magkaroon ng tama at wastong pagpili para sa mga mamumuno sa aming bayan,” dagdag nito.

Nakatakda ang “Dasalan sa Batangan para sa Kaliwanagan sa darating na Halalan” sa ika-21 ng Marso mula ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon sa National Shrine of St. Padre Pio, Sto. Tomas Batangas.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest