HomeDiocesan ReportsParish forest project, paiigtingin ng Diocese of Tagbilaran

Parish forest project, paiigtingin ng Diocese of Tagbilaran

“I dream of having a forest in every parish para ma-inspire ang mga tao na magtanim ng hardwood trees at fruit bearing trees"

Pursigido si Bishop Alberto Uy ng Tagbilaran na ipagpatuloy ang kanilang proyekto na makapagtayo ng mga Forest Reservation area sa bawat parokya na kanilang nasasakupan.

Ito ang inihayag ni Bishop Uy matapos na maraming mga puno at kakahuyan ang nasira sa pananalasa ng bagyong “Odette” tatlong buwan na ang nakakalipas.

Ayon sa obispo bago pa ang pananalasa ng bagyo ay nagsimula na sila sa naturang inisyatibo kung saan ang bawat parokya ay hinihikayat na magtayo ng “Parish Forest.”



“I dream of having a forest in every parish para ma-inspire ang mga tao na magtanim ng hardwood trees at fruit bearing trees,” ayon sa obispo.

Sa panayam sa Radio Veritas 846, sinabi ng obispo na naapektuhan ng bagyong “Odette” ang kanilang programa, ngunit lalo silang nakumbinsi na ipagpatuloy ito matapos na makita ang epekto ng pagkasira ng kalikasan.

“Because of [Typhoon] Odette a lot of the trees have been brought down, but we are willing to start again tree growing and tree planting in coordination with the government agencies,” ayon sa obispo.

Naniniwala si Bishop Uy na ang kawalan ng mga puno at mga halaman ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya nagaganap ang mga mapaminsalang kalamidad.

- Newsletter -

Magugunitang Disyembre ng taong 2021 nang manalasa sa Pilipinas ang bagyong “Odette” kung saan isa ang lalawigan ng Bohol sa labis na napinsala.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest