HomeDiocesan ReportsObispo, nanawagan na itigil ang ‘red-tagging’

Obispo, nanawagan na itigil ang ‘red-tagging’

Ayon sa obispo, ang “red-tagging” ay nag-aanyaya lamang ng karahasan sa mga taong iniuugnay sa mga rebeldeng komunista

Umapela si Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos sa pamahalaan na itigil na ang patuloy na pag-uugnay sa ilang mga indibidwal sa mga makakaliwang grupo.

Ayon sa obispo, na siya ring pangulo ng Church People-Workers Solidarity, ang “red-tagging” ay nag-aanyaya lamang ng karahasan sa mga taong iniuugnay sa mga rebeldeng komunista.

Nakababahala aniya ang “red-tagging” kung saan maging ang mga lingkod ng Simbahan ay hindi rin ligtas sa mga maling paratang.




“I hope they stop red-tagging and really focus on addressing the root cause of the problem,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Veritas 846.

Aniya, sa halip na tutukan ang “red-tagging,” mas dapat tutukan ang pagtugon sa mga suliraning panlipunan na nagpapahirap sa mamamayan.

Sinimulan na ng senado ang imbestigasyon sa “red-tagging” o ang pagdadawit ng militar sa ilang mga personalidad at grupo ng mga kababaihan sa mga rebeldeng komunista.

Nanawagan si Bishop Alminaza sa lahat na maging mapagmatyag at mapagbantay upang maproteksyunan ang mga nadadawit sa “red-tagging,” na karamihan ay ang mga pumupuna sa kawalan ng katarungang panlipunan at patuloy na paghihirap ng mga mamamayan.

- Newsletter -

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest