Home News Alert Cardinal Tagle, naka-work from home sa Roma

Cardinal Tagle, naka-work from home sa Roma

Ang cardinal ay naka-work from home sa Roma at ilang araw na mananatiling nakahiwalay sa nakakarami bilang bahagi ng pag-iingat mula sa COVID-19

Nanatiling ligtas mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples, sa kanyang pagdating sa Roma.

Ang cardinal ay kasalukuyang naka-work from home at ilang araw na mananatiling nakahiwalay sa nakakarami bilang bahagi ng pag-iingat mula sa nakahahawang sakit.

“He had his swab test at the Vatican, and today (Tuesday in Rome) the results came out, negative for COVID,” ito ang pahayag ni Father Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma.



“[Cardinal Tagle] will still maintain self-isolation for some days, working from home at the Pontificio Collegio Filippino,” dagdag ng pari.

Bago umalis ng bansa, negatibo ang resulta ng swab test ni Cardinal Tagle nang sumailalim sa pagsusuri sa Philippine Red Cross.

Negatibo rin ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa opisyal ng Vatican pagdating nito sa Roma makaraan ang may isang buwang bakasyon sa Pilipinas.

Nagpositibo sa COVID-19 si Cardinal Tagle nang dumating sa Pilipinas noong Setyembre at sumailalim sa 14-day quarantine bago nadalaw ang kanyang mga magulang sa Imus, Cavite.

- Newsletter -

Sa pananatili sa bansa, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang Misa sa kanyang bayan sa Imus, Cavite, gayundin sa Manila Cathedral.

Si Cardinal Tagle ay dating obispo ng Diocese ng Imus. Naitalaga rin siyang Arsobispo ng Archdiocese of Manila bago itinalaga ng Santo Papa sa isa sa pinakamahalagang tanggapan sa Vatican.

Ang cardinal ay nagtungo sa Roma noong Pebrero para gampanan ang kanyang bagong tungkulin sa Simbahan.

Si Cardinal Tagle rin ang pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Federation.

Mula sa ulat ng Veritas 846

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest