Home Diocesan Reports Curfew, kinokonsidera sa pagdaraos ng Simbang Gabi

Curfew, kinokonsidera sa pagdaraos ng Simbang Gabi

Sa kasalukuyan ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang curfew hours na ipinatutupad sa Metro Manila

Hinihintay ng pamunuan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang lokal na pamahalaan na maglabas ng panuntunan upang makapaglatag ng plano para sa Simbang Gabi.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, kinokonsidera ng Simbahan ang kautusan ng pamahalaan lalo na sa pagpapatupad ng oras ng curfew.

“Hinihingi lang namin na gawing 3:30 a.m. ang end of curfew during those days, and no curfew on December 24 evening,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Nanawagan kamakailan si Mayor Isko Moreno Domagoso ng Maynila sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maglabas ng plano kaugnay sa Simbang Gabi.



Sa tradisyon ng mga Filipino ito ang siyam na araw na paghahanda sa Kapanganakan ni Hesus na ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25.

Magsisimula ang Simbang Gabi sa Disyembre 16 at magtatapos naman sa ika-24 ng buwan.

Magugunitang simula nang magpatupad ng community quarantine ang bansa ay sumusunod ang Simbahan sa mga panuntunang ipinatutupad bilang pakikiisa sa kampanyang pangalagaan ang kalusugan ng mananampalataya.

- Newsletter -

Sa kasalukuyan ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang curfew hours na ipinatutupad sa Metro Manila.

Bagamat pinapayagan na ang mananampalataya sa pagdalo ng mga Misa sa simbahan ay patuloy pa rin ang online live streaming.

Mula sa ulat ng Veritas 846

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest