Home News Alert Pagpapaliban ng '13th month pay' 'di makatarungan, ayon sa isang obispo

Pagpapaliban ng ’13th month pay’ ‘di makatarungan, ayon sa isang obispo

Hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino

Hindi makatarungan na ipagpaliban ang pagbibigay ng “13th month pay” sa mga manggagawa.

Ito ang binigyan diin ni Bishop Jose Colin Bagaforo ng Kidapawan, national director ng Caritas Philippines, hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa.

Ayon sa obispo, hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino na ang ilan ay hindi pa rin nakakapasok o walang papasukang trabaho.



“Withholding of the 13th month pay is adding insult to injury,” ayon sa obispo.

“It is a great injustice and inhuman to not give the 13th month pay at this time when many ordinary workers are affected, financially, by this pandemic,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kamakailan ang mungkahing ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga small- and medium- enterprises dahil sa epekto ng krisis sa maliit na mamumuhunan.

Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang pagbibigay ng suporta sa mga kawani upang ipanawagan ang pagtutol na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay.

- Newsletter -

“Now is when our people need some extra funds because of the pandemic,” ayon sa obispo.

“Sa mga small time employees, ang 13th month spells a big difference for a meaningful celebration of Christmas and for some it is pantawid buhay na,” dagdag niya.

Sa pag-aaral ng Employers Confederation of the Philippines, tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya.

Mula sa ulat ng Veritas 846

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest