Home News Alert Pagpanaw ni Father Sonny Ramirez, ipinagluluksa

Pagpanaw ni Father Sonny Ramirez, ipinagluluksa

Isa si Father Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988

Ipinagluluksa ng mga Dominikano sa Pilipinas ang pagpanaw ni Father Erasmo “Sonny” Ramirez, OP, na kilalang spiritual adviser ng mga public figure sa bansa.

Sumakabilang-buhay ang kilalang paring Dominikano sa edad na 74 na taon.

Si Father Ramirez ay nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran at isa sa Letran Grandes Figuras Awardee noong taong 2017.



Isa rin si Father Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988.

Pumanaw ang pari noong Sabado ng tanghali, Oktubre 10.

Unang naging matagumpay ang pagsailalim ni Father Ramirez sa kidney transplant procedure ngunit tumanggi na ito na sumailalim sa heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-75 taong kaarawan si Father Ramirez sa darating na Oktubre 31.

- Newsletter -

Matatandaang naging anchor-producer si Father Ramirez ng “Buklod Bayan program” sa Radio Veritas 846 na noo’y DWRV 846 kasama ng namayapang program director na si Orly Punzalan.

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest