HomeNewsMamamayan, hinikayat na makiisa sa 'prayer for restorative justice'

Mamamayan, hinikayat na makiisa sa ‘prayer for restorative justice’

Iginiit ng mga lider Simbahan na hindi mababago ang paninindigan laban sa patuloy na pagnanais na maibalik ang capital punishment sa bansa

Nanawagan ang Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal ng “Prayer for Restorative Justice and Second Chances Advocates” para sa makatarungang lipunan na nagbibigay halaga sa buhay at dignidad maging ng mga nagkasala sa kapwa.

Ayon kay Bishop Joel Baylon ng Legazpi, chairman ng kumisyon, hango ang naturang panalangin sa bagong encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na “Fratelli tutti” kung saan nasasaad na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Umaapela ang obispo na usalin ang panalangin tuwing alas-otso ng gabi mula Oktubre 10, World Day Against the Death Penalty, hanggang sa Human Rights Day sa Disyembre 10.




Iginiit ni Bishop Baylon na hindi mababago ang paninindigan ng Simbahan laban sa patuloy na pagnanais na maibalik ang capital punishment sa bansa.

Ayon sa obispo, ang bawat indibidwal maging ang mga makasalanan ay dapat na bigyan ng pagkakataong makapagsisi at makapagbagong buhay sa halip na patawan ng kamatayan.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care reiterates our strong opposition to capital punishment,” ayon sa obispo.

“The death penalty violates the inherent dignity of a human person, which is not lost despite the commission of a crime. No person, no matter how evil he is perceived to be, is beyond reformation,” dagdag ni Bishop Baylon.

- Newsletter -

Binigyan diin ng obispo na walang direktang epekto ang pagkakaroon ng capital punishment sa pagpapababa ng kriminalidad sa lipunan.

Inihayag ni Bishop Baylon na hindi naaangkop ang capital punishment sa Pilipinas lalo na sa kasalukuyang sistema ng katarungan sa bansa na pumapanig sa mga may kapangyarihan at mayayaman.

Pagbabahagi ng obispo na sa halip na punitive o pagpapataw ng mabigat na kaparusahan ay mas dapat na umiiral restorative justice sa bansa na pagbibigay ng pangalang pagkakataon sa mga nagkasala.

“The death penalty is nothing but vengeance and punishment. True justice must be restorative, never merely punitive,” aniya.

“It should give the person the chance to change for the better, no matter how slim the chance may be. The death penalty is anti-poor and marginalized,” ayon sa obispo.

“Experience shows that most, if not all persons meted the death penalty are poor and uneducated, who cannot afford quality legal representation to defend them,” dagdag ni Bishop Baylon.

Paliwanag ng obispo na sa halip na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa ay mas dapat na magsumikap ang mga otoridad na ganap na maipatupad ang kasalukuyang mga batas sa bansa na tunay na solusyon sa kriminalidad sa lipunan.

Bukod dito, umapela rin si Bishop Baylon sa pamahalaan na kasabay ng pagsasaayos ng sistema ng katarungan sa bansa ay dapat din tutukan ang kalagayan ng mga mamamayan lalo na sa gitna ng krisis na dulot ng pandemic na mas nagpapahirap sa lahat upang maiwasan na mabiktima ng sitwasyon ang mga walang-wala sa buhay.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest