HomeNews AlertPamahalaan hinimok na gawing organisado, maayos ang pagtugon sa COVID-19

Pamahalaan hinimok na gawing organisado, maayos ang pagtugon sa COVID-19

Mahalaga na maging organisado at maayos ang pamamaraan ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Brother Armin Luistro, FSC, presidente ng De La Salle Philippines, kaugnay sa patuloy na banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ayon kay Brother Luistro, bagamat hindi maaaring iasa ang lahat sa pamahalaan ay napakahalaga naman na maging organisado ang mga hakbang ng pamahalaan lalo na ang pagtiyak na napupunta sa mga apektadong mamamayan ang pondong nakalaan.




“Hindi natin maaring iasa lahat sa gobyerno pero napakalaki ng maibibigay ng gobyerno kung maayos, organisado at saka hindi nawawala yung pera na iaambag, ayuda para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Brother Luistro sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak ni Brother Luistro na bukas at handa ang Simbahan maging ang mga pribadong sektor upang makatulong at makatuwang ng pamahalaan para matugunan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

“Konting organisasyon lang naman yan, at kung kailangan ng tulong ng gobyerno humingi sa Simbahan. Sa pribadong mga sektor, maraming gustong tumulong,” aniya.

Nilinaw naman ni Luistro na may maibabahagi ang bawat isa upang makatulong sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya kabilang na ang pagbabahagi ng pagkain at maging ng panahon para sa mga lubos na apektado ng krisis, gayundin ang pagkakaloob ng mapagkikitaan sa mga nawalan ng hanapbuhay.

- Newsletter -

Iginiit ni Brother Luistro ang pagbibigay suporta at halaga sa frontliners at ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na patakaran at “safety health protocol” upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 100,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Hunyo, lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority na umaabot na sa 7.3-milyong Filipino ang walang trabaho o unemployed na naitala noong Abril.

Nangangahulugan ito ng karagdagang limang milyong indibidwal na walang trabaho.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest