HomeDiocesan ReportsReligious activities sa Diocese of Paranaque, suspendido ng 2 linggo

Religious activities sa Diocese of Paranaque, suspendido ng 2 linggo

Magpapatupad ng dalawang linggong suspensyon sa pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya ang Diocese of Parañaque.

Ayon kay Bishop Jesse Mercado ng Parañaque, ang naturang hakbang ay bilang tugon at pakikibahagi ng diyosesis sa panawagan ng medical frontliners sa pamahalaan upang pansamantalang muling ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto ay muling ititigil ng diyosesis ang pagsasagawa ng mga pampublikong Banal na Misa habang patuloy naman na maaring makibahagi ang mga mananampalataya sa mga banal na pagdiriwang sa pamamagitan ng “livestreaming” at “online Mass.”




Nauna ng nanawagan ng pakikibahagi ang Diocese of Parañaque sa pagsasagawa ng Misa-Nobenaryo para sa pagdiriwang ng ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng Nuestra Señora del Buen Suceso sa ika-10 ng Agosto, 2020 sa pamamagitan ng “Online Live Streaming” sa mga Facebook page ng The Cathedral Parish of St. Andrew at Roman Catholic Diocese of Parañaque.

Tema ng pagdiriwang ng ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng Nuestra Señora del Buen Suceso na ina at pintakasi ng Lungsod at Diyosesis ng Parañaque ang “NANA CISO: Huwaran ng pag-asa at pagtitiwala na ang lahat ay mapangyayari ng Diyos para sa ating ikabubuti.”

Batay sa tala, mayroong mahigit sa 1.4 milyong Katoliko ang Diocese of Parañaque.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest