HomeDiocesan ReportsSangguniang Laiko, ipinapanalangin ang kagalingan ni Bishop Pabillo

Sangguniang Laiko, ipinapanalangin ang kagalingan ni Bishop Pabillo

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Archdiocese of Manila, matapos na magpositibo sa new coronavirus disease.

Ayon kay Rouquel Ponte, presidente ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, kaisa ang kanilang mga miyembrong organisasyon sa pag-aalay ng panalangin sa mabilis na paggaling ng obispo mula sa sakit.

Tiwala naman si Ponte na nasa mabuting kalagayan at mabilis na makakabawi mula sa karamdaman si Bishop Pabillo na ayon sa kanyang isinapublikong liham ay walang anumang sintomas na nararamdanan.




“All of us in the Laiko board, siguro pati yung mga member groups namin even ang Couples for Christ, are offering prayers for his speedy recovery, but we were assured naman in his letter that he was in good spirit and without symptoms so we are hoping that he will weather this COVID-19,” ang bahagi ng pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas 846.

Una na ring humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang test.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50 organisasyon ng simbahan sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Pabillo.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest