HomeDiocesan ReportsPrelatura ng Batanes, Radio Veritas 846 nagluluksa sa pagpanaw ni Father Larry...

Prelatura ng Batanes, Radio Veritas 846 nagluluksa sa pagpanaw ni Father Larry Faraon

Nagluluksa ang Prelatura ng Batanes sa biglaang pagpanaw ni Radio Veritas 846 anchor na si Father Larry Faraon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Danilo Ulep, hinahangaan nito ang dedikasyon ni Father Faraon sa paglilingkod sa Panginoon bilang pari sa pamamagitan ng iba’t-ibang ministries ng Simbahan, lalo na ang preaching ministry gamit ang broadcast media.

“Ako ay nalulungkot kagaya ng marami sa atin sa biglaang pagpanaw ni Father Larry; isa sa mga nakikita kong ugali sa kanya ang pagmamahal sa kanyang pagkapari at commitment to serve sa mga ministries,” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.




Tinukoy ni Bishop Ulep ang isa sa mga natatanging katangian ng pumanaw na pari ay ang pagmamahal sa kanyang bokasyon at paglalaan nito sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng programa sa radyo at sa mga pahayagan.

Hiniling ni Bishop Ulep sa mananampalataya ang sama-samang pananalangin para sa kaluwalhatian ng kaluluwa ni Father Faraon bilang gantimpala sa kabutihang nagawa nito at pagiging instrumento ng pagpapalaganap ng mabuting balita at dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

“So I ask everyone that in the midst of grief and sorrow let us be one in asking the Lord comfort and consolation, to give strength to the bereaved family of Father Larry,” ayon pa kay Bishop Ulep.

Sa halos apat na dekadang pagiging pari ni Father Faraon aktibo ito sa broadcast ministry lalo na sa Radio Veritas 846 bilang anchor priest ng Healing Touch Sunday edition.

- Newsletter -

Huling napakinggan si Father Faraon sa Radio Veritas noong ika-15 ng Hunyo ng pangunahan nito ang online at on-air mass ng himpilan.

Lubos ding na ikinalulungkot ng pamunuan at mga bumubuo sa Radio Veritas 846 ang pagpanaw ng isa mga itinuturing na bayani ng EDSA people power revolution.

Nagpaabot naman ng pakikiisa at pakikidalamhati ang Radio Veritas 846 sa mga mahal sa buhay ni Father Faraon.

Ganap na 3:06 ng madaling araw nang bawian ng buhay si Father Faraon.

Ipinanganak si Father Faraon sa San Antonio, Biñan Lagunam noong ika-4 ng Hulyo, 1956.

Nagtapos ito ng Bachelor of Arts, Bachelor in Theology at Master of Arts in Religious Education with specialization in Media sa University of Sto. Tomas.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest