HomeDiocesan ReportsPanawagan kay Pangulong Duterte: Pakinggan ang hinaing ng mga Filipino

Panawagan kay Pangulong Duterte: Pakinggan ang hinaing ng mga Filipino

Umapela si Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihayag sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa sa kanyang ikalimang State of the Nation Address sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon sa obispo, hindi dapat na magbulag-bulagan ang pangulo sa tunay na estado ng bansa kung saan kasalukuyan ay laganap ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, kawalan ng hanapbuhay at kamatayan hindi lamang dahil sa new coronavirus kundi maging sa tinaguriang “state-endorsed killings.”

“In his upcoming SONA, we appeal to the president not to turn a blind eye on the dire state of our people,” ayon sa obispo.




“Today, the spate of deaths continues not only through state endorsed killings, but also through rampant hunger, loss of livelihood, and environmental degradation, among many others,” dagdag ni Bishop Alminaza.

Giit ng obispo, napapanahon nang makinig at tugunan ng pangulo ang mga hinaing ng mga Filipino kaugnay sa tunay na mga suliranin sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mahalagang marinig ng taumbayan ang mga plano ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning kinahaharap ng bansa lalo na sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

“We are tired of hearing unwarranted jokes and threats in his speeches. We call on the president to listen to the cries of the people, present concrete solutions in his SONA, and serve in the interest of the public,” ayon pa sa obispo.

- Newsletter -

Aniya kailanman ay kinakailangan ngayon ng bansa ang masusing pamamahala ng gobyerno upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng solusyong medikal at hindi sa pamamagitan ng pagtutok sa iba’t ibang usapin na mas nagpapahirap lamang sa mga mamamayan.

Kabilang din sa tinukoy ni Bishop Alminaza na mga hindi napapanahong usaping na mas binigyang pansin ng pamahalaan ay ang pagsusulong ng Anti-Terrorism Law na ayon sa kanya ay nagdudulot ng karahasan at kaguluhan.

Binanggit din ng obispo ang nagaganap sa Negros province kung saan nananatili ang karahasan na nagsimula pa noong inilunsad ng administrasyon ang tinaguriang “war on drugs.”

Hulyo taong 2019 nang magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diyosesis ng San Carlos upang maipaabot ang apela ng mamamayan na wakasan na ang walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest