HomeNews‘Action plan’ ng Pangulong Duterte sa COVID-19 pandemic, nais marinig ng obispo

‘Action plan’ ng Pangulong Duterte sa COVID-19 pandemic, nais marinig ng obispo

Mga ginawa at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Bishop Broderick Pabillo ng Maynila sa nakatakdang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ulat ng Veritas 846, sinabi ng obispo na ang pandemya ang pangunahing suliranin ng bansa sa kasalukuyan na nagbunsod na rin sa krisis sa ekonomiya, trabaho, at sa sektor ng edukasyon.

“At hindi lang ito maliit na problema,” aniya. “Kasi iba pa iyong mga nagugutom na, iba pa iyong mga nawalan ng trabaho. Iba’y nawalan ng kinabukasan,” dagdag ng obispo.




“At dahil dito ay pati ang kabataan ay tinatamaan dahil sa pag-aaral nila, at sa trabaho, iyong mga nag-graduate, ‘di makakita ng trabaho,” sa ni Bishop Pabillo.

“Kaya malaki ang problema na dapat pagtuunan, at sana, may solusyon ang gobyerno sa mga pangyayaring ito,” aniya.

Kinondena ng obispo ang kasalukuyang tugon ng pamahalaan na nagtalaga ng pulis at militar upang humarap sa krisis pangkalusugan.

Aniya hindi naman matutugunan ng baril at bala kundi ng pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko ang COVID-19.

- Newsletter -

Ayon sa obispo, iginigiit ng gobyerno na pasaway ang mga Filipino na siyang dahilan ng pagdami ng nahahawaan ng sakit.

Una na ring inanyayahan ni Bishop Pabillo ang publiko na makiisa sa panalangin sa isasagawang “Mass for Justice and Peace” sa araw ng pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Lunes, Hulyo 27. – Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest