HomeCommentaryHindi po sila makakalayo

Hindi po sila makakalayo

Napuntahan ko rin ang karamihan ng mga lamay sa mga taong biktima sa War on Drugs sa Payatas mula noong pinapatay nila ang mga mahihirap sa tambakan. May isang kakaibang bagay akong napansin noon: may sisiw sa itaas ng mga kabaong at may mga butil ng palay na tinutuka nila. Hindi yon tinatanggal hanggang sa araw ng libing.

Hindi naman lahat ng lamay ang may sisiw. Yon lang pinatay ng walang katarungan.

Tinanong ko ang isang Lola para saan ang mga sisiw. Ito ang sabi niya:

“Habang tinutuka ng sisiw ang mga butil, tinatamaan din niya ang konsiensya ng mga gumawa nito. Hindi makakalayo yon, Father! Mahuhuli o susuko din yon. Igagawad din Niya sa atin ang hustisya.”



Habang papauwi ako, nakaramdam ako ng kalungkutan. Sobrang api na talaga ang mga mahihirap. Wala na sila mapupuntahan. Kundi sisiw na lang.

Hindi ang mga pulis — dahil sila ang pumatay at patuloy na pumapatay. Parang baboy nila pinaslang ang mga mahihirap. Sabi ni Digong sagot niya sila kahit saan.

Hindi ang Barangay — dahil sa kanila galing ang listahan na pinagbabasihan ng pulis. Hindi nga makakahiram ng upuan at luna sa kanila na kalimitan ay pwede naman sana.

- Newsletter -

Hindi ang mga hukuman — dahil hawak din silang lahat ni Duterte. Ilan lang bang pulis ang naparusahan?

Hindi sa simbahan — dahil baka kasabwat din sila sa makapangyarihan. Tahimik ang marami sa kanila sa panahon ng patayan.

Wala talagang mapagkakatiwalaan. Wala kundi sisiw na lang.

Ang sisiw ay sagisag ng Diyos ng awa, Diyos ng hustisya at katarungan. Kahit minsan hindi nawawalan ng pag-asa at pakikibaka ang mga biktima. Sa hirap at tiyaga, itinawid nila ang kanilang mga anak upang mabuhay.

May mga pagkakataon na pinatawag sila ng mga opisyal upang tumahimik, iatras ang kaso, kapalit ng malaking halaga. Hindi sila pumayag.

Dahil hustiya lang ang makakapatahimik ng mga kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay. Hustisya lang ang magbibigay sa kanila ng buhay na walang hanggan. Hustiya ng Diyos na sinagisag ng sisiw sa taas ng kabaong.

Sa araw na ito, sa pagkakulong ni Duterte, nararamdaman nila na kakampi nila ang Diyos. Na pinakikinggan niya ang kanilang panalangin. Na totoo ang pangako ng Diyos. Hindi pa lahat. Pero nagsisimula nang hanapin ng batas ang mga berdugo.

Sabi nga ng Salmo: “This is the day that the Lord has made.”

In literature, there is what they call “poetic justice”. At the end of the novel or play, the good characters are rewarded and the bad ones are punished. This is to encourage authors to set moral example to society.

But beyond literature, this is the promise of the Kingdom — a kingdom of peace and justice, and a kingdom of love and well-being.

This is our hope. We are not yet there but we are already there. Both already and not yet. Wala pa tayo roon. Pero nandoon na.

Ironically, the victims themselves teach us how it is “to hope against hope,” what it is to be “pilgrims of hope”.

Father Daniel Franklin Pilario, C.M., is the President of Adamson University in Manila. He is a theologian, professor, and pastor of an urban poor community on the outskirts of the Philippine capital. He is also Vincentian Chair for Social Justice at St. John’s University in New York.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest