HomeNewsPanukalang ayusin at gamitin ang BNPP, tinutulan ng Diocese of Bataan

Panukalang ayusin at gamitin ang BNPP, tinutulan ng Diocese of Bataan

Naninindigan ang simbahan at panlalawigang pamahalaan ng Bataan sa pagtutol sa pagsasaayos at paggamit ng Bataan Nuclear Power Plant.

Tiniyak ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga ang pagbibigay tuon sa pangangalaga at pagsusulong sa kabutihan ng kapaligiran lalo’t mayaman ang lalawigan sa biyaya ng kalikasan.

“Bataan is so blessed with water and land, rivers, oceans, and mountains. And so ang aming priority ay to protect, promote our environment, and that is the reason na kung saan ay napakaganda sapagkat wala kaming mining, wala kaming logging. And the land and the seas are protected,” ayon kay Bishop Santos sa programang Pastoral visit-on-the-air ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ng obispo na ilan sa mga gawain na isinusulong ng simbahan ang pagbibigay ng kaalaman kaugnay sa Climate change katuwang ang mga paaralan at lokal na pamahalaan.

Gayundin ang panganib at pinsalang dulot ng mga single-use plastic sa kalikasan.

Ilang panukala rin sa kongreso ang nakabinbin kaugnay sa pagsasaayos ng nuclear power plant na una na ring sinusuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

March 2023 nang aprubahan ng House Committee on Nuclear Energy ang consolidated bill para sa comprehensive atomic regulatory framework at ang paglikha ng Philippine Atomic Regulatory Commission.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest