HomeEquality & JusticeMga madreng RGS nangangakong patuloy na isusulong ang katarungang panlipunan

Mga madreng RGS nangangakong patuloy na isusulong ang katarungang panlipunan

Ayon sa kongregasyon, paiigtingin ng RGS ang pakikinig, pakikilakbay, at pagsisilbing boses ng maralita at batayang sektor sa harap ng anumang banta at political repression

Binigyang diin ng Religious of the Good Shepherd, isang kongregasyon ng mga madre, ang higit na pagpapaigting sa misyon na pagsusulong ng patas na katarungang panlipunan sa bansa.

Ito ang mensahe ng international congregation na kinabibilangan ni Sister Elenita Belardo, RGS, national director ng Rural Missionaries of the Philippines, matapos ibasura ang kasong perjury na inihain laban sa kanya at siyam pang indibidwal.

Ayon sa kongregasyon, paiigtingin ng RGS ang pakikinig, pakikilakbay, at pagsisilbing boses ng maralita at batayang sektor sa harap ng anumang banta at political repression.



“Moving onward, as a congregation, we re-affirm our commitment ‘to promote justice’ and to ‘help bring about change in whatever condemns others to live a marginalized life,” pahayang ng kongregasyon sa ulat ng Radio Veritas 846.

“In the spirit of synodality, along with fellow churchworkers and human rights defenders, we continue walking with and among the poor, listening to and including voices from the margins and holding our ground despite threats and political repression,” dagdag ng grupo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kongregasyon sa lahat ng mga suporta at nanalangin para sa pananaig ng katarungan sa kasong perjury na inihain kay Sister Belardo at sa iba pang mga human rights defenders.

Nagpahayag ng rin ng pagkilala at papuri ang kongregasyon sa matapang na paninindigan ng madre laban sa pang-aapi sa mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubo.

- Newsletter -

Ibinahagi ng kongregasyon na ang pagbasura sa kasong perjury laban sa sampung human rights defenders ay tagumpay ng mga marginalized sector sa bansa.

“The acquittal is not only a victory of those accused but of all ‘God’s little ones’ for whom and with whom this struggle is being fought,” pahayag ng RGS.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest