HomeDiocesan ReportsObispo, nananawagan sa mamamayan na makibahagi sa plebisito sa Maguindanao

Obispo, nananawagan sa mamamayan na makibahagi sa plebisito sa Maguindanao

Ang plebisito ay kaugnay sa paghahati ng Maguindanao sa dalawa — Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur

Nanawagan ang Simbahan ng Cotabato sa mamamayan ng Maguindanao na makibahagi sa plebisito sa September 17.

Ang plebisito ay kaugnay sa paghahati ng Maguindanao sa dalawa — Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Archbishop Angelito Lampon ng Cotabato, mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan ng Maguindanao upang matiyak ang matapat na resulta ng plebisito at maipakita ang tunay na nais ng pamayanan.



“My message is, go out and participate for the sake of a credible and democratic division of North and South Maguindanao,” ayon sa obispo sa panayam sa Radio Veritas 846.

Bagamat maituturing na pormalidad na lamang ang plebisito dahil sa kawalan ng malinaw na oposisyon sa paghahati sa lalawigan, mahalaga pa rin na maibahagi ng mamamayan ang posisyon at pananaw para sa Maguindanao, ayon kay Archbishop Lampon.

Mas higit aniya na nakababahala ang susunod na magiging hakbang matapos ang paghahati sa lalawigan lalo na ang proseso sa pagpili o paghahalal ng mga bagong magsisilbing lider.

“After the division of Maguindanao, yan ang mas delikado. Who will be the next set of leaders? Will they be elected or appointed?” tanong ng obispo na umaasa na maging mapayapa ang isasagawang plebisito.

- Newsletter -

Bahagi ng nasasakupan ng Archdiocese of Cotabato ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Batay sa tala, may 939,011 registered voters ang Maguindanao na may karapatang bumuto sa nakatakdang plebisito.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest