HomeDiocesan ReportsChurch facilities, bukas pa rin na maging vaccination sites

Church facilities, bukas pa rin na maging vaccination sites

“Nakikilahok pa rin ang Simbahan para sa pagpapalaganap ng COVID-19 vaccination"

Tiniyak ng Health Care commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan upang matugunan ang umiiral na coronavirus pandemic.

Ito ang sinabi ni Father Dan Cancino, MI, executive secretary ng komisyon kaugnay sa pamamahagi ng bakuna sa mamamayan bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Ayon sa pari, marami pa rin ang nagdadalawang-isip o tumatangging magpabakuna dahil walang tiwala sa epekto o nangangambang mahawaan ng sakit.



“Nakikilahok pa rin ang Simbahan para sa pagpapalaganap ng COVID-19 vaccination, lalong-lalo na sa mga areas na mababa ang ating vaccination accomplishments,” sabi ng pari.

Layunin ng Simbahan ang pagsasagawa ng information dissemination sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at mga parokya upang isulong at ipabatid sa publiko ang magandang maidudulot ng COVID-19 vaccine.

“Priority ng Health Care Commission ang pagpapalaganap ng confidence at pagpapababa ng hesitancy sa COVID-19 vaccination,” ayon sa pari.

“Pangalawa naman ay ang pag-o-open natin ng ating mga espasyo sa simbahan para maka-avail ang ating mga kababayan sa COVID-19 vaccination,” aniya.

- Newsletter -

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa humigit kumulang 160-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa bilang, 70-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng unang dose at higit 72-milyon naman ang natanggap na ang second dose o kumpleto na sa bakuna.

Nasa halos 18-milyon na ang nakatanggap ng booster dose bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest