HomeDiocesan ReportsArchdiocese ng Nueva Segovia, nagsasagawa ng pagtulong sa mga biktima ng lindol

Archdiocese ng Nueva Segovia, nagsasagawa ng pagtulong sa mga biktima ng lindol

Bagama’t may ilang simbahan at heritage site ang napinsala sa lugar, ipinagpasalamat ng obispo na walang lubhang nasaktan at nasawi sa lalawigan

Pinaigting ng Archdiocese of Nueva Segovia ang paghahatid ng tulong sa mga mamamayan ng Ilocos Sur na naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Archbishop Marlo Peralta, bagama’t may ilang simbahan at heritage site ang napinsala sa lugar, ipinagpasalamat niya sa Panginoon na walang lubhang nasaktan at nasawi sa lalawigan.

Aniya, puspusan ang pagkilos ng Social Action Center ng arkidiyosesis sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.



“Sa awa ng Diyos wala namang seryosong nasaktan at walang fatality dito sa archdiocese, kaya ang inaasikaso ngayon ang pagtulong ng [Social Action Center] sa mga nangangailangan,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas 846.

Matatandaang napinsala ng malakas na pagyanig ang tanyag na Vigan Cathedral, St. John the Baptist Church, at iba pang lumang makasaysayang gusali sa Ilocos Sur.

Agad na kumilos ang Caritas Philippines sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad sa Northern Luzon habang patuloy ang pagtulong ng iba’t ibang diyosesis para sa relief operation.

Ayong sa huling tala ng gobyerno, nasa 989 na pamilya pa, o 3,319 na indibidwal, ang nananatili sa 30 temporary shelters.

- Newsletter -

Umabot sa 105,241 na pamilya, on 404,370 na tao, na karamihan ay mula sa Cordillera Administrative Region ang naapektuhan ng lindol. – mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest