HomeDiocesan ReportsSimbahan sa Ifugao, nanawagan ng tulong sa mga nasalanta ng baha

Simbahan sa Ifugao, nanawagan ng tulong sa mga nasalanta ng baha

Bukod sa relief goods, kinakailangan din na magkaroon ng rebuilding program para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay

Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa nasabing lugar.

Ayon kay Father Apolonio Dulawan, MJ, social action center director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sila sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

“Gumagalaw ngayon ang [social action] team doon sa Banaue, they are contacting all the Basic Ecclessial Communities, para tingnan yung mga member nila o mga kapitbahay nila na ngangailangan ng tulong,” dagdag ng pari.



“Pero yung tinitingnan natin, yung long-range plan ay matulungan itong farmers na talagang nawalan, ‘yan ang mas importante,” pahayag ni Father Dulawan.

Bukod sa relief goods, kinakailangan din na magkaroon ng rebuilding program para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa pagguho ng lupa sanhi ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Ifugao Province.

Batay sa huling tala, may 465 rice farmers at 251 vegetable farmers ng high-value crop ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Natabunan ng lupa at putik ang ilang lugar sa Banaue matapos bumuhos ang malakas na ulan noong July 7, 2022. (Larawan kuha ng PNP RMFB Wolverines)

Tatlong bahay naman ang idineklara bilang “totally-damaged” at may 1,044 mga bahay naman ang “partially damaged.”

- Newsletter -

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, umaabot na sa PhP40 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagbaha at landslide sa agrikultura at PhP500 million naman ang pinsala sa imprastraktura.

Huwebes, July 7, nang maranasan ang malawakang pagbaha at pagguho ng putik sa bahagi ng Ifugao Province, lao na sa bayan ng Banaue, sanhi ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat. – may dagdag na ulat mula ka Chris Agustin, news intern ng Radyo Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest