HomeDiocesan ReportsDiocese of Novaliches, magsisimula ng booster shots para sa mga bata

Diocese of Novaliches, magsisimula ng booster shots para sa mga bata

Nagsisimula na ang pilot testing ng first booster ng mga bata, ages 12 to 17, sa Diocese of Novaliches

Nagsimula na sa Diocese of Novaliches ang “pilot testing” ng COVID-19 first booster shot para sa pediatric population o mga bata na nasa edad 12 hanggang 17.

Ayong kay Father Harvey Bagos, parochial vicar ng San Bartolome de Novaliches Parish, patuloy ang pakikipagtulungan ng diyosesis sa pamahalaang lungod ng Quezon para sa COVID-19 vaccination sa parokya upang makatulong sa pagbibigay proteksyon sa mga tao laban sa virus.

Hinihikayat naman ng pari ang mga magulang na may anak na nasa edad 12 hanggang 17 na pabakunahan ng booster shot ang mga bata lalo na kung lumagpas na sa limang buwan magmula noong matanggap ang second dose ng bakuna.



“Nagsisimula na po tayo ng ating pilot testing ng first booster ng mga bata, pedia ages 12 to 17,” ayon said pari.

“Kaya po inaanyayahan ko po ang lahat ng mga magulang na may anak na 12 to 17, kung ang inyo pong anak ay lumagpas na ng limang buwan sa kanilang second (vaccination), pwede na po kayo magpa-booster o makibalita sa announcement ng vaccination para sa inyong mga anak,” aniya.

Batay sa tala ng Quezon City COVID-19 Vaccination Tracker, umabot na sa higit anim na milyon ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng first at second dose ng bakuna, gayundin ang booster shots.

Sa bilang, nasa higit isang milyon sa mga indibidwal ang nakatanggap ng una at ikalawang COVID-19 booster shots.

- Newsletter -

Maliban sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing, patuloy pa rin ang paghihikayat ng Simbahan at pamahalaan na magpabakuna para sa karagdagang kaligtasan laban sa virus.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest