HomeDiocesan ReportsDiocese of Mati, nagbabala laban sa babaeng nagpapanggap na madre

Diocese of Mati, nagbabala laban sa babaeng nagpapanggap na madre

Walang kaugnayan sa diyosesis at sa Simbahang Katolika ang nasabing babae at ang kongregasyon

Nagbabala ang Diocese of Mati kaugnay sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang linlangin ang mga mananampalataya.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng isang babaeng nakasuot madre na umiikot sa lunsod upang humingi ng donasyon para sa isang misyon umano ng Simbahang Katolika.

Kalakip din ng naturang babala ang larawan ng isang sobre na ipinamamahagi ng nasabing babae kung nasaan mababasa ang “Mararca International Catholic Church” at “Maharlikan Apostolate Missionary (Congregation).”



Paglilinaw ng Diyosesis ng Mati, walang kaugnayan sa diyosesis at sa Simbahang Katolika ang nasabing babae at ang kongregasyon na makikita sa kanyang ipinapamahaging sobre para sa donasyon.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng donasyon.

Paalala ng Simbahang Katolika, sakali mang makatanggap ng mga kaduda-dudang solicitation letter lalo na sa pamamagitan ng online ay marapat na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya o ng diyosesis upang matiyak ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat para sa donasyon.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest