HomeDiocesan ReportsObispo, nanawagan ng parusa sa mga sangkot sa smuggling ng agricultural products

Obispo, nanawagan ng parusa sa mga sangkot sa smuggling ng agricultural products

Ayon kay Bishop Bancud, dapat pananagutin ang lahat na sangkot at ungkatin ang dahilan kung paano nakapasok ang smuggled products sa bansa

Kinundena ni Bishop Sofronio Bancud ng Cabanatuan ang umano’y talamak na smuggling ng agricultural products na nagpapahina sa lokal na industriya ng pagsasaka.

Kasunod ito sa ginawang Senate hearing kung saan tinalakay ang suliraning kinakaharap ng ibat-ibang lokal na samahan ng mga magsasaka at suppliers ng mga gulay.

“Nakalulungkot na sa napakarami at napakalawak na mga pangyayaring nagdudulot ng walang katapusang kahirapan sa ating pamayanan ay nadadagdagan na naman ng bagong pagpapahirap dulot ng smuggling ng mga agricultural products,” ayon sa obispo sa mensahe sa Radio Veritas 846.



“Nakalulungkot at nakapanghihina ng loob ang mga ganitong walang katapusang gawain ng mga sakim at ganid nating mga kababayan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng obispo.

Aniya, naway iwaksi ang anumang katiwalian at pagiging makasarili ng mga opisyal sa pamahalaan upang tunay na mapairal ang mga batas laban sa smuggling.

Nanindigan si Bishop Bancud na dapat pananagutin ang lahat na sangkot at ungkatin ang dahilan kung paano nakapasok ang smuggled products sa bansa.

“Ang talagang kinakailangan natin ay ang totoo at masigasig na pagsasakatuparan ng mga batas na ito,” ayon sa obispo.

- Newsletter -

“Ngunit ang nakalulungkot at malaking problema natin ay ang mga inatasang magpatupad nito ay mas madalas na may kinikilingan,” aniya.

“Once and for all, panagutin ang lahat na mga sangkot sa smuggling na ito, as well as the many other crimes that are perpetuated by those in power,” ayon pa sa obispo.

Dismayado rin si Bishop Bancud sa kakulangan ng mga hakbang ng mga party-list representatives na dapat ay magsilbing boses ng kanilang mga kinakatawang sektor.

Umaasa ang Obispo na hindi makalimutan ng mga party-list na maging boses sa pamahalaan ng kanilang mga kinakakatawan.

Ipinapanalangin ni Bishop Bancud ngayong panahon ng Kwaresma na magdulot ang mga pagninilay ng higit pang pagkakaisa sa lipunan at maiwaksi ang nagaganap sa kasamaan.

“Ang aking dalangin, nawa ang biyayang dulot ng panahon ng Kwaresma bilang paghahanda sa dakilang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ay magbunsod sa ating lahat na magkaisa sa pagsugpo ng malawak na kasamaan na lumalaganap sa iba’t-ibang larangan ng buhay,” ayon sa obispo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest