HomeDiocesan ReportsNawawalang pari mula sa Diyosesis ng Imus, natagpuan na

Nawawalang pari mula sa Diyosesis ng Imus, natagpuan na

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ang nangyari kay Father Phem na natagpuan halos tatlong araw matapos na ito ay mawala

Natagpuan na si Father Leoben Peregrino, mas kilala bilang Father Phem, na mahigit 48 oras na nawala magmula nang umalis ito ng kumbento noong April 1, 2022.

Sa isang video na natanggap ng Veritas Patrol ay makikita ang sasakyan na lulan ang pari na nakatali ang mga kamay, paa, at leeg na agad namang tinulungan ng mga residente ng Barangay Lumil, Silang, Cavite.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ang nangyari kay Father Phem na natagpuan halos tatlong araw matapos na ito ay mawala.



Sa pamamagitan naman ng Facebook post ay nagpaabot ng pasasalamat ang kapatid ni Father Phem na si Joel Peregrino sa lahat ng mga nanalangin para sa kaligtasan ng pari.

“Salamat po sa inyong mga panalangin. Dininig po ng Diyos ang ating mga dasal. Nakita na po si Father Phem Octavo Peregrino sa Barangay Lumil Silang, Cavite. Buhay po siya,” ayon kay Peregrino.

Si Father Phem ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of The Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite, na saklaw ng Diocese of Imus..

Una nang ibinahagi ni Peregrino sa Radio Veritas na umalis ng kumbento si Father Phem noong April 1, bandang alas-9:30 ng umaga, na tanging wallet lamang ang dala sakay ng sasakyan ng parokya.

- Newsletter -

Kasunod nito ay mayroong nakakita sa pari na nagpapa-gasolina malapit sa isang mall sa Rosario, Cavite.

“Hindi n’ya po dala ang phone n’ya. Wallet lang po ang dala n’ya. Wala rin po siyang kasama noong umalis ng 9:30 a.m. sa simbahan,” ayon kay Peregrino sa panayam ng Radio Veritas.

Batay naman sa nakuhang CCTV footage, 10:53 ng umaga nang dumaan ito sa Barangay Santiago, General Trias, Cavite. Huling namataan ang pari sa pagitan ng alas-11 ng umaga at alas-12 ng tanghali papalabas ng isang mall sa General Trias.

Hinihiling naman ng pamilya ni Father Phem na patuloy itong isama sa panalangin matapos ang sinapit nito.

Samantala, hinihintay naman ang opisyal na pahayag ng Diocese of Imus kaugnay sa nangyari sa pari.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest