HomeDiocesan ReportsMamamayan, muling hinikayat na makiisa sa Earth Hour 2022

Mamamayan, muling hinikayat na makiisa sa Earth Hour 2022

Layunin ng Earth Hour na ipabatid sa bawat isa na mayroon lamang iisang mundo at dapat na pakaingatan

Hinihikayat ni Bishop Jose Elmer Mangalinao ng Bayombong ang mananampalataya, lalo na ang mga kumakandidato na makiisa sa taunang pagdiriwang ng Earth Hour.

Ayon kay Bishop Mangalinao, chairman ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, layunin ng Earth Hour na ipabatid sa bawat isa na mayroon lamang iisang mundo at dapat na pakaingatan.

Sinabi ng obispo na ang pagpapatay ng ilaw at iba pang kagamitang de kuryente sa loob ng isang oras ay makatutulong upang mabigyang-pahinga ang mundo mula sa iba’t ibang gawain ng tao na nakakasira na sa kapaligiran.



“Tayo ay magkakasama bilang magkakapatid, at sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw ay ipinapahinga natin ang ating buhay sa paggamit ng mga kuryente upang magkaroon tayo ng mas ibayong pagpapahalaga sa ating buong buhay sa kasalukuyan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Mangalinao na nawa ang paggunita sa Earth Hour ay hindi lamang manatili sa loob ng isang oras, bagkus ay mas lalo pang lumalim at lumawak upang patuloy na yumabong tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Sana po ang simbolo na ito ay magpalalim at magpalawak pa ng ating magagawa para po sa ating mundong ginagalawan,” ayon sa obispo.

Ang tema ng Earth Hour 2022 ay “Shape Our Future” at ito ay ipagdiriwang sa March 26 mula alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

- Newsletter -

Ito ay inisyatibo ng World Wide Fund for Nature, isang international non-government organization, a unang isinagawa sa Sydney, Australia, noong 2007.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest