HomeDiocesan ReportsPagpasa ng batas para sa edukasyon ng PWDs, pinuri ng Simbahan

Pagpasa ng batas para sa edukasyon ng PWDs, pinuri ng Simbahan

Ayon kay Father Dan Cancino maganda ang hakbang ng pamahalaan upang mas kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang PWDs

Kinilala ng mga lider Simbahan ang pagsabatas ng panukalang pinamagatang “Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act.”

Tinitiyak ng batas na magkakaroon ng access sa edukasyon ang lahat ng Persons With Disability (PWD) na mag-aaral saan o anuman ang kanilang pinanggalingan na komunidad at relihiyon.

Ayon kay Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, maganda ang hakbang ng pamahalaan upang mas kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang PWDs.



Bibigyan din sa batas nang proteksyon ang karapatan ng PWDs na magkaroon ng access upang makapag-aral at maging bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa hinaharap.

“Ang pagpipirma ng Pangulong Duterte sa RA 11650 noong March 11 … ay isang magandang pagpapakilala at magandang recognition at appreciation sa kahalagahan ng mga taong may disability,” pahayag ng pari sa Radio Veritas.

Hiling naman ni Father Cancino sa bawat isa na magkaroon ng sapat na pakikibahagi at pagbabantay sa pagpapa-iral ng batas.

Ipinaliwanag ng pari na kailangang matiyak na susundin at maglalaan ng sapat na pondo ang pamahalaan upang makapag-patayo ng mga pasilidad base sa pangangailangan ng mga PWD.

- Newsletter -

“Sana itong batas na ito ay hindi maisantabi,” ayon kay Father Cancino. “Let’s be very, very vigilant,” aniya.

Tiniyak din ni Father Cancino na mananatiling bukas ang Simbahang Katolika upang kalingain at bigyan ng pagkakataon ang may mga kapansanan na maglingkod sa Panginoon.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest