HomeDiocesan ReportsPagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng 'Odette,' prayoridad ng Diocese of...

Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng ‘Odette,’ prayoridad ng Diocese of Surigao

Maging ang mga hindi Katoliko ay kabilang sa kanilang programa at kasama rin sa mga napagkakalooban ng tulong

Tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Diocese of Surigao na makatulong sa rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng bagyong Odette sa lalawigan ng Surigao.

Ito ang pagtitiyak ni Father Denish Ilogon, social action director ng diocese, mahigit tatlong buwan mula nang manalasa ang bagyo sa lalawigan.

Ayon kay Father Ilogon, marami na silang napagkalooban ng housing materials katuwang ang iba pang organisasyon ng Simbahang Katolika para makatulong sa pagbangon ng naapektuhang mga residente.



Inihayag ng pari na maging ang mga hindi Katoliko ay kabilang sa kanilang programa at kasama rin sa mga napagkakalooban ng tulong.

“Namimigay kami ng tig sampung yero sa bawat pamilya o kaya mga plywood o pako at kung ano yung kailangan nila,” pahayag ni Father Ilogon sa panayam ng Radio Veritas.

Pinag-aaralan din ng diyosesis kung paano makatulong sa mga “poorest among the poor” na residente na walang maayos na bahay.

Inihayag ni Father Itogon na kanilang prayoridad ang “long term project” para sa mga walang tirahan.

- Newsletter -

Nauna nang inihayag ni Father Ilogon na marami pa rin sa mga naapektuhang residente ang hindi pa nakakabangon mula sa pinsala ng bagyo.

Patuloy ang iba pang mga organisasyon ng Simbahang Katolika sa pagsasagawa ng mga proyekto para makatulong sa mga apektadong mamamayan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest