HomeDiocesan ReportsCaritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

Ang tulong ay pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan

Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine.

Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Una nang nakipag-ugnayan si Father Anton Pascual, Caritas Manila executive director, kay Caritas Internationalis president Cardinal Luis Antonio Tagle upang ipahayag ang kagustuhang magpadala ng tulong sa Ukraine.



Sa naging panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual, sinabi nito na ang Caritas Manila ay nakikiisa sa panawagan ng kapayapaan at naniniwala siyang walang sinuman ang nananalo sa digmaan.

Una nang umapela ng pagkakaisa at tulong pinansiyal ang Caritas Ukraine para sa mga mamamayan ng kanilang bansa na naiipit sa kaguluhan.

Sa panayam ng Vatican News kay Cardinal Tagle, sinabi nito na labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan dahil sa epekto ng patuloy na nagaganap na digmaan.

Batay sa datos ng World Population Review, tinatayang nasa 43.3 milyon ang populasyon ng Ukraine bago nagsimula ang paglusob ng Russia.

- Newsletter -

Marami sa mga pamilya ang nagsilikas na sa mga katabi nitong bansa habang ang ilan ay nasa pangangalaga ng mga institusyon ng Simbahang Katolika.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest