HomeDiocesan ReportsObispo, dismayado sa ‘di pagpapatigil ni Digong sa ‘e-sabong’

Obispo, dismayado sa ‘di pagpapatigil ni Digong sa ‘e-sabong’

Iginiit ng obispo na dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang ikabubuti ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatigil ng “Online Sabong”

Ikinadismaya ni Bishop Broderick Pabillo ng Taytay, Palawan, ang hindi pagpapatigil ng Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng mga “Online Sabong” or “e-sabong.”

Nauna ng nagpahayag ang pangulo na nakabubuti at kailangan ng pamahalaan ang nasisingil na bilyong piso na halaga mula sa mga operasyon ng “e-sabong.”

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi tama ang dahilan ng pangulo dahil ipinapakita nito na tanging pera ang kapalit ng buhay ng mamamayan na nalululong sa pagsusugal.



Sinabi ng obispo na mas pinahalagahan ng Pangulong Duterte ang pera kaysa sa buhay ng nawawalang mahigit sa 30 katao na inuugnay sa online sabong.

“Yung reasoning ng ating pangulo ay hindi maganda, lumalabas na pera lang ang konsiderasyon,” ayon kay Bishop Pabillo.

“Hindi dapat pera ang unang konsiderasyon, ang unang konsiderasyon ay kabutihan ng tao,” aniya.

“Kaya dapat pag-aralan ng maayos at talagang tiyakin kung ito’y nakakatulong ba sa moralidad ng tao o hindi,” ayon sa panayam ng Radio Veritas 846 kay Bishop Pabillo.

- Newsletter -

Iginiit ng obispo na dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang ikabubuti ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatigil ng operasyon at pagkakaroon ng masusing pag-aaral sa tunay na epekto ng “Online Sabong.”

Naninindigan ang obispo na kailanma’y hindi makakabuti sa mamamayan at pamilya ang anumang uri ng sugal dahil nagdudulot ito ng epekto na kapareho ng pagkalulong sa ilegal na droga.

Ipinanalangin ni Bishop Pabillo na unahin ng mga lider ng Pilipinas ang kapakanan ng mamamayan kasabay ng panghihimok sa bawat isa na ipinalangin rin na ipag-adya ng Panginoon ang kanilang kapwa mula sa pagkalulong sa masamang bisyo.

Una ng isinulong sa Senado ang pagpapatigil ng operasyon ng “Online Sabong” na binara ng pangulong Duterte.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest