HomeNewsMaging malaya sa pagpili ng ihahalal na lider ng bansa — Archbishop...

Maging malaya sa pagpili ng ihahalal na lider ng bansa — Archbishop Du ng Palo

“There could be many ways that we could show our patriotism or love of country but patriotism is best express in our promotion of the common good"

Ang pagsusulong ng “common good” o kabutihan ng mas nakararami ang pinakamagandang paraan ng pagpapamalas ng “patriotism” o pagiging makabayan.

Ito ang binigyang diin ni Archbishop John Du ng Palo sa kanyang homiliya para sa ika-pitong serye ng “novena mass” ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Ayon sa arsobispo, bukod sa pansariling kapakinabangan ay mahalagang isaisip ng bawat botante sa nakatakdang halalan ang kabutihang pangkalahatan at pag-unlad ng bansa.




“There could be many ways that we could show our patriotism or love of country but patriotism is best express in our promotion of the common good,” aniya.

“In this coming election we hope and pray that all of us consider the common good as a foremost concern,” dagdag ng arsobispo.

Ipinaliwanag ni Archbishop Du na mahalagang bigyang paggalang ang desisyon at pagpili ng mga botante sa nakatakdang halalan sapagkat sinasalamin nito ang dignidad ng bawat isa.

Umaasa ang arsobispo na magkaroon ng paninindigan ang bawat isa laban sa iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa kanilang pagpili ng mga kandidato.

- Newsletter -

Iginiit ni Archbishop Du na dapat na magkaroon ng kalayaan ang bawat isa na pumili ng mga karapat-dapat na mga opisyal batay sa kanilang mga paniniwala at paninindigan at hindi sa impluwensya ng pera o ng sinuman.

“Let us respect one another … let us not be influenced by anything or whatever … but be given the freedom to make our choice,” aniya.

“Election day is the time when we exercise our freedom and therefore we should never give in to hatred and rushed judgement,” dagdag nag arsobispo.

Kanyang iginiit na mahalagang seryosohin ng bawat isa ang kapangyarihan na bumoto at maghalal ng mga opisyal ng bayan.

“Let us diligently seek the truth that we may know what is right and avoid evil,” aniya. – Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest