HomeCommentary'The charity of Christ urges us'

‘The charity of Christ urges us’

Hindi po maaring neutral ang kahit sinong Kristiyano—pari, madre man o layko—sa gitna ng patayan, pagnanakaw at pagyuyurak sa karapatan ng iba

Marami pong nagtatanong sa akin kung sinong iboboto ko. Bilang pari, dapat neutral at non-partisan daw po kami.

Hindi po maaring neutral ang kahit sinong Kristiyano—pari, madre man o layko—sa gitna ng patayan, pagnanakaw at pagyuyurak sa karapatan ng iba. Ang Kristiyanong sumasang-ayon at tumatahimik sa gitna ng lahat ng pagsasamantala ay kasabwat ng mga magnanakaw.

Jesus was not neutral. Like the Good Samaritan, he sided with the victim.




Matagal ko nang pinakinggan ang hirap na pinagdaanan ng mga balo at biktima ng extrajudicial killings sa Payatas. Kalakbay po namin sila mula sa paglibing, pagluksa hanggang sa paghahanap ng kanilang ikabubuhay sa ngayon.

Baka lang may magtanong: Yan ang aking pinanggagalingan.

Ano ang aking mga pamantayan ng aking personal discernment. Maaring “idealistic” ito, pero kaya nga sila pamantayan. Ginamit ko ang “checklist” na ito para mas simple.

PAMANTAYANG KRISTIYANO

- Newsletter -

May pinanggagalingan ito sa Bibliya at mga aral-Kristiyano. Ang mga politikong may susunod na katanginaan ay HINDI KO IBOBOTO:

  • Nag-utos, kaugnay o pumapayag sa extrajudicial killings
  • Nahatulan ng corruption noon at ngayon—ibig sabihin guilty
  • Nakikinabang at kumakanlong sa mga nagsasamantala sa panahon ng pandemia
  • Pumapayag sa pananakop at pagsasamantala ng China
  • Naghahari-harian at ayaw gumalang sa “rule of law”
  • Ayaw gumalang sa human rights at nambabalahura ng kapwa
  • May kaugnayan sa diktadurya ni Marcos at pamamahala ni Duterte
  • Namimili ng boto, walang malinaw na plataforma—puro lang porma
  • Ginagawang family business ang politika—political dynasty
  • Ang mga ayaw magsalita laban sa mga katiwaliang sinabi sa itaas

Ayon na rin kay Pope Francis: “Misuse of power, corruption, disregard for law and inefficiency must clearly be rejected… what is needed is a politics which is far-sighted and capable of a new, integral and interdisciplinary approach to handling the different aspects of the crisis.” (Fratelli Tutti, 177)

PAMANTAYANG VINCENSYANO

Dahil ako ay isang kasapi ng Vincentian Family—inspired by St. Vincent de Paul—may dagdag akong criteria: Ang pagkiling sa mga mahihirap, nagugutom, maysakit at higit na nangangailangan.

Siempre, sa panahon ng eleksyon, ito ang bukambibig ng lahat ng kandidato. Pero tingnan natin ang kanilang gawa, hindi lang salita. Tingnan natin ang kanilang track record, hindi lang tumutulong sa panahon ng kampanya. Kung ito ba ay totoong nag-aangat ng pagkatao ng aba at iba (empowerment), at hindi lang nagmumodmod ng “biyaya” (patronage).

Sa totoo lang, hindi lang naman Vincentian criteria ito kundi pamantayang Kristiyano din: “Whatever you do to the least of my brothers and sisters, you do it to me.” Kaya higit sa lahat, hinahanap ko rin kung saan naroroon ang kanyang puso at diwa.

Binasa ko ang lahat ng pamantayan at nakatoon ngayon ang aking pansin kay Vice President Leni Robredo.

Birthday ko noon. Hindi pa siya nag-iisip na tumakbo sa mga panahong iyon. Kahit na sa dami ng kanyang schedule, pinadalhan niya ako ng video greetings. Matagal na rin naman kaming magkakilala dahil siya ang unang naniwala na kaya ng mga Nanay ng Solidarity with Orphans and Widows na magtahi ng PPE at face masks—sa panahong kinukurakot ng Pharmally ang perang para sana nito.

Nag-email ako sa kanya bilang pasasalamat sa kanyang greetings at sa pagtulong nya sa mga balo ng EJK. Ito ang bahagi ng kanyang sagot sa akin (nagpaalam akong gamitin ang kanyang reply).

“Thank you very much for your email, Fr. Danny. I am sorry I wasn’t able to send a response soon enough. We were in Bicol for 3 days for our Vaccine Express. My Mom, my sister, all my three daughters and myself were all schooled at Universidad de Sta Isabel. Doing community work was something we started in our Primary years. I remember all our classrooms bore a big ‘The Charity of Christ Urges Us’ on top of our blackboards. Vincentian education was one of life’s greatest gifts. ~ Leni.”

Noong narinig ko ang kanyang desisyong tumakbo, binati ko siya. Ito naman ang kanyang sagot sa akin:

“Thank you very much, Fr Danny. Prayers are very much needed and appreciated po. This will be a very difficult fight po considering we do not have the resources and the machinery. But that will be no match if the people decide to make this their campaign and take it upon themselves to fight. I know God will be with us in the journey, Father.”

Nag-iisip pa ako kung sino pa ang iba kung iboboto. Darating din yon. Matagal pa naman, di ba? Isa-isahin ko rin sila base sa pareho ring pamantayan. Sa unang tingin, marami sigurong matatanggal sa kani-kaninong mga line-up.

Pwede rin naman na meron kayong iba o dagdag na pamantayan. Sana lang malinaw kung ano at bakit yon. Sa pamamagitan lang nito, hindi tayo magkaka-personalan dahil prinsipyo ang ating pinag-uusapan. Hindi dapat tayo mga “fans club” na nagsisigawan, kundi “mamamayan” na nag-iisip kung ano ang mas mabuti para sa ating bayan. Kapag naloklok na ang ating mga pinili, singilin din natin sila base sa kanilang pangako at sa ating pamantayan.

I am sharing this now so that you can also make your own discernment on what is best for the country. That is important. Kung mahilig kayong magdasal, pwede ring humingi ng liwanag sa Diyos. Pwede nyo ring pag-usapan sa loob ng inyong pamilya at community para sa isang mahinahon na talakayan at balitaktakan.

Pwede n’yo rin ipasa ito sa iba. Baka sakaling makatulong sa kanilang pag-iisip kung sino ang kanilang iboboto.

Father Daniel Franklin Pilario, C.M. is a theologian, professor, and pastor of an urban poor community in the outskirts of the Philippine capital.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest