HomeNewsKalikasan, lubhang apektado ng pandemya, ayon sa obispo

Kalikasan, lubhang apektado ng pandemya, ayon sa obispo

Ang pandemya ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalikasan at maaari pang magdulot nang mas matinding panganib sa mga tao

Lubhang naaapektuhan ng pandemya hindi lamang ang kalusugan ng mga tao kundi pati na ang ekonomiya at ang kalikasan.

Ito ang sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista, pangulo ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon sa obispo, ang pandemya ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalikasan at maaari pang magdulot nang mas matinding panganib sa mga tao.

Aniya, ito’y bunsod ng mga nalilikhang basura ng mga tao mula sa mga gamit na face masks, face shields, at personal protective equipment.




“Bagama’t may naidulot na positibong bahagi ang pandemya katulad ng low carbon emissions ng sasakyan at pabrika … nadagdagan naman nang malaki ang basura dulot ng mga ginamit na face masks, face shields, PPE, at mataas na consumer spending,” ayon ka Bishop Evangelista.

Aniya, ngayon may pandemya, tumaas din ang konsumo ng enerhiya dulot ng online activities sa mga tahanan, tulad ng work-from-home, online classes, at iba pang paraan na naglilimita sa kilos ng mga tao sa pampublikong lugar.

Ipinaalala naman ng obispo na kasabay ng pangangalaga sa kalusugan upang makaiwas sa sakit ay ang pangangalaga rin para sa ating nag-iisang tahanan.

- Newsletter -

“Huwag nating kalilimutan na habang iniingatan natin ang ating kalusugan at mga pangangailangan ng ating pamilya, obligasyon din nating hilumin at pangalagaan ang ating kalikasan na siyang ating tahanan o common home,” ayon kay Bishop Evangelista.

Kaugnay nito, hinihikayat ng obispo ang bawat isa na ipanalangin na maging matiwasay at makabuluhan ang isasagawang United Nations Conference sa Oktubre at UN Climate Change Conference sa Nobyembre. – Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest