HomeDiocesan ReportsObispo ng Tagbilaran, nanawagan ng suporta para sa ‘forest project’

Obispo ng Tagbilaran, nanawagan ng suporta para sa ‘forest project’

Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan

Hinimok ng obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mananampalataya na suportahan ang programang “Parish Forest” ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, layunin ng programa na mapalawak ang mga kagubatan sa lalawigan ng Bohol sa pangunguna ng Simbahan.

Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang maayos na kalidad ng hangin.




“Mga igsuon palihog tabangi ninyo ang programa sa Diocese of Tagbilaran,” panawagan ng obispo.

“Matag parokya naay gam-ong lasang. Mahimo kining tinuod kong kitang tanan magtinabangay,” dagdag niya sa salitang Bisaya.

Kaugnay nito, umapela ang obispo sa mga mamamayan na may mga lupang nakatiwangwang, partikular sa mga bulubunduking lugar, na makipag-ugnayan sa kanilang mga parokya at makiisa sa nasabing programa.

Ibinahagi ni Bishop Uy na dalawa hanggang tatlong ektarya ang tinitingnang lawak bilang panimula sa “Parish Forest” program.

- Newsletter -

Itatanim dito ang mga “fruit-bearing trees” at mga native na punongkahoy tulad ng narra.

Ito ay patuloy na pagsasabuhay sa ensiklikal ni Papa Francisco na Laudato Si, kung saan hinimok ang bawat isa na pangalagaan ang nag-iisang tahanan upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito.

Aktibo ang obispo, katuwang ang mga lingkod ng Simbahan, mga kabataan at iba’t ibang organisasyon sa Bohol sa pangangalaga ng kalikasan.

Tiniyak ni Bishop Uy sa mamamayan na kung may matutukoy na lugar para sa “Parish Forest” nakahanda ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan ng Bohol sa pagbibigay ng mga punong itatanim.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest