Ang “katekismo series” na ito ay para sa lahat, mula bata hanggang sa mga nakakatanda. Ito ay ibinihagi ni Father Christian Buenafe, O.Carm, upang mas maintindihan ng mga Katoliko, pati na rin ng mga ‘di Katoliko, ang ibig sabihin ng pananampalataya, paniniwala, at “everything under the sun.”
Teacher: Hello Everyone. Class, musta na kayo?
Students: Hello, teacher, na miss po namin kayo.
Teacher: Oo nga, na miss ko rin kayo. Na-busy ako sa “Pentecost celebration” noong isang araw kaya di na muna tayo nagka-klase sa Flores.
Student 1: Pentecost? Teacher, ito ba yong fiesta ng Holy Spirit?
Teacher: Yes, class, 50 days after ng Easter ay Pentecost. The descent of the Holy Spirit, ang pagbaba ng Espiritu Santo na natanggap ng mga apostoles, ni Mama Mary, at mga ibang disipulo, at maging ngayon kasama natin ang Espiritu Santo sa simbahan.
Student 2: Teacher, nasa Bible ba ang Holy Spirit? Nakasulat ba sa Bible ang tungkol sa Holy Spirit?
Teacher: Oo naman, class. Ang daming sources at references ang tungkol sa Spirit of God, ang Holy Spirit. Dati nga ang tawag ay Holy Ghost, as in Spirit, mga biblical text na kung saan ang Holy Spirit ay na mention:
- “The holy spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God”. (Luke 1:35
- “Jesus said, ‘And I will ask the Father, and he will give you another Advocate to be with you always, the Spirit of truth which the world cannot accept”. (John 14:16-17)
- “Jesus said, ‘When the Advocate comes whom I will send you from the Father, the Spirit of truth that proceeds from the Father, he will testify to me.” (John 15:26)
- Jesus said to them again, ‘Peace be with you, as the Father has sent me, so I send you,” And when he had said this, he breathed on them and said to them, “ Receive the holy spirit”. (John 20:21-22)
- In the foreknowledge of God the Father, through sanctification by the Spirit, for obedience and sprinkling with the blood of Jesus Christ: may grace and peace be yours in abundance. (1 Peter 1:2)
So, class, yan ang mga iilang basehan natin ng tungkol sa Holy Spirit. Class, ang Holy Spirit sa Spanish ay Espiritu Santo, wag kayong ma-confuse.
Student 3: Teacher, salamat po talaga. Marami kaming natutunan tungkol sa Holy Spirit. Teacher, ano po ba ang hitsura ng Espiritu Santo?
Student 4: O nga, teacher, sabi ng Mama ko nakakakita daw siya ng Holy Spirit, at kinakusap daw siya?
Teacher: Weeee … paano? Class, ang Holy Spirit ay spirit, hindi siya matter. Di siya nakikita ng naked eyes natin. Pero, may mga symbol na representing the Spirit at nasa Bible yan, gentle breeze, dove, tongues of fire.
Student 5: Eh kung di natin nakikita ang Holy Spirit, totoo ba ang spirit?
Teacher: Di nga natin nakikita ang Spirit, pero class, you can receive and feel the Spirit, the Holy Spirit fills the hearts of those who accept the grace of God and those who see the glory of God.
Student 6: Eh Teacher, ano naman ang Holy Trinity?
Teacher: Class, sa next klase na natin yan. Kasi mahabang usapan pa yan. Baka lumamig na ang merienda natin na sopas. Pasalamatan natin ang sponsor ng ating snacks ngayon, ang Charismatic community sa ating parish kasi di ba Pentecost? Malaking fiesta ng Simbahan at ng mga active sa Simbahan, kaya kayo hingin nyo ang guidance and strength na mula sa Holy Spirit.
Students: Ok po, teacher, bye na po. Next class na po ulit kasi lalamig na ang sopas.
Teacher: Bye, class. Observe physical distancing ha. See you next time.