HomeNews AlertMga OFW, kinilala ng Simbahan bilang mga misyonero

Mga OFW, kinilala ng Simbahan bilang mga misyonero

Ang mga layko ang pangunahing nagbibigay ng patotoo sa mga biyayang dulot ng pananampalataya kay Kristo

Binigyang pagkilala ng Simbahan ang mga layko, lalo na ang mga overseas Filipino workers, bilang mga pangunahing misyonero sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, chairman ng Mission Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi ang mga pari at madre kundi ang mga layko ang may mahalagang gawain sa misyon ng Simbahan.

“[Ang mga overseas Filipino workers] are in effect our missionaries kasi sila ang nasa frontier, sila yung talagang … nagbibigay ng buhay sa Simbahan,” ayon sa obispo.




“In effect they are the living witness to our Christian faith,” ayon kay Bishop Mesiona sa isang programa sa Veritas 846.

Aniya, ang mga layko ang pangunahing nagbibigay ng patotoo sa mga biyayang dulot ng pananampalataya kay Kristo.

Pinuri ni Bishop Mesiona ang mahalagang ginagampanan ng mga OFW sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagbibigay buhay sa Simbahan.

Sa tala, may higit sa 10 milyon ang bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

- Newsletter -

Ayon sa obispo na sa pagdiriwang ng “Missio ad Gentes” sa mga darating na buwan, hamon ang higit pang pagiging masigasig ng bawat isa sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Hesukristo.

Kasabay nang pagsisimula ng Adbiyento, inilunsad ng CBCP-Episcopal Commission on Mission ang “Missio Ad Gentes” ang pinakahuling paksa para sa pagdiriwang ng Simbahan sa ika-500 na anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest