HomeDiocesan Reports‘Huwag mawalan ng pag-asa kahit may pandemya’ — obispo

‘Huwag mawalan ng pag-asa kahit may pandemya’ — obispo

Ayon sa obispo, ang pagkakaroon o pagkakahawa sa COVID-19 ay hindi dahilan upang mawalan ng pag-asa sa buhay

Hindi dapat mawalang ng pag-asa kahit man sa gitna ng pandemya.

Ito ang mensahe ni Bishop Oscar Jaime Florencio ng Military Ordinariate of the Philippines sa mga nakararanas ng depresyon dulot ng pandemyang dala ng new coronavirus disease.

Ayon sa obispo, ang pagkakaroon o pagkakahawa sa COVID-19 ay hindi dahilan upang mawalan ng pag-asa sa buhay.

Ipinaliwanag ng obispo na sa halip na isiping walang patutunguhan ang lahat ng mga ginagawa natin sa buhay ay dapat pa itong maging dahilan nang pagiging positibo.




“Madapuan man tayo [o] mahawa man tayo ng COVID-19, mayroon tayong mapupuntahan,” aniya. “Hindi lahat ng mga bagay na ginagawa natin [ay] para bang walang silbi.”

Sabi ng obispo na habang hindi pa gumagaling, “okay lang, that’s fine” dahin nandoon pa rin “yung perspective na pwede pala ako magkaroon ng ganitong buhay.”

“Hindi natatapos doon sa COVID ang buhay natin. Ang buhay natin ay mananatili siya sa Panginoon kasi mula siya sa Panginoon, babalik siya sa Panginoon,” dagdag ng obispo.

- Newsletter -

Ayon kay Bishop Florenci, dahil sa sobrang takot bunsod ng nararanasang krisis ay nawawala na sa tamang pag-iisip ang ilang tao at kapag hindi naiiwasan ay humahantong ito sa depresyon.

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang National Suicide Prevention and Awareness Month.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health, aabot lamang sa 33 ang suicide-related calls mula noong Enero hanggang Marso ngayong taon, ngunit nadagdagan ito at umabot na sa 115 na tawag noong Hulyo.

Ayon sa Social Weather Stations survey noong Hulyo, 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest