HomeDiocesan ReportsDiocese of Baguio nakiisa sa pagdiriwang ng Season of Creation

Diocese of Baguio nakiisa sa pagdiriwang ng Season of Creation

Nakiisa ang Diyosesis ng Baguio sa buong Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa at magtulungang pangalagaan ang kalikasan.

Sa liham pastoral ni Bishop Victor Bendico, binigyang diin ang kasalukuyang nangyayari sa kalikasan na nakasasama sa nag-iisang daigdig.




Inihayag ng obispo na bagamat nakapagpahinga ang kapaligiran sa pagpatupad ng lockdown ng iba’t ibang bansa sa usok ng mga sasakyan, factory at iba pang uri ng polusyon, may iba namang dahilan ng pagkakasira ng kalikasan tulad ng:

  • Developmental aggression with collateral damage to the environment and ecosystem, gaya ng pamumutol ng mga pine trees upang bigyang daan ang pagtatayo ng condominium unit
  • Aggressive commercial farming and cash crop mentality
  • Unregulated small scale mining and the irresponsible disposal of chemicals in our waterways and rivers
  • Calamitous erosions
  • Consumerist mentality and waste management problem

Sa pagdiriwang ng Season of Creation, nais ng diyosesis na palawakin pa ang pagpapalaganap sa kaalaman ng wastong pangangalaga sa kalikasan upang magkaisa ang mamamayan sa pagtugon sa krisis pangkalikasan.

Ayon sa obispo, nawa’y alalahanin ng bawat isa ang kahalagahan ng kalikasan para sa tao.

Mula sa ulat ng Veritas 846

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest