HomeDiocesan ReportsObispo nanawagan sa kabataan na makilahok sa usaping panlipunan

Obispo nanawagan sa kabataan na makilahok sa usaping panlipunan

Nanawagan ang Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na mas maging aktibo sa pakikibahagi sa mga usapin at pangyayari sa lipunan lalo na sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa pandemya.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng komisyon, ang sitwasyon ng bansa dahil sa pandemic ay nananawagan sa aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa lipunan.

Sinabi ng obispo na dahil sa limitasyon ng mga nakatatanda dulot ng pagiging pinakalantad sa sakit ay mas kinakailangan ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan hindi lamang sa tahanan at komunidad kundi maging sa simbahan.




Ayon sa obispo, nakasalalay sa kamay ng mga kabataan ang pagkakaroon ng pagbabago, kaayusan, at kaunlaran sa bayan lalo na sa kasalukuyang sitwasyon na dulot ng pandemya.

Nagpahayag din ng suporta at pagsang-ayon ang obispo sa naging tema ng United Nations sa paggunita ng International Youth Day 2020 na “Youth Engagement for Global Action.”

Binigyang diin ng obispo ang kahalagahan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pakikisangkot ng kabataan para sa pangkabuuang kapakanan ng daigdig.

Ayon kay Bishop Alarcon, dapat gawing misyon ng mga kabataan ang paghikayat na maging misyonero o tagapaghatid ng Mabuting Balita ang kabataan para sa kabutihan ng marami.

- Newsletter -

Unang binigyang diin ni Pope Francis na sa tulong ng katapangan, kakayahan, at kaalamang taglay ng mga kabataan ay mas mabibigyang pag-asa ang kasalukuyang lagay ng lipunan.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest