HomeDiocesan ReportsJeepney drivers sa Metro Manila, gagawing miyembro ng Caritas coop

Jeepney drivers sa Metro Manila, gagawing miyembro ng Caritas coop

Higit sa 1,700 na mga jeepney driver ang tatanggap ng tulong mula sa Caritas Manila.

Ayon kay Father Moises Ciego, head for Special Operations ng Caritas Manila, limang buwan nang walang pasada ang mga tsuper dahil sa umiiral na community quarantine kaya napipilitang mamalimos na lamang.

Bilang tugon ng simbahan, kabuuang 1,717 mga jeepney driver sa Makati ang tatanggap ng “manna” bags.




Inihayag ni Father Ciego na ang pamimigay ng tulong ay hinahati sa ilang grupo upang masunod ang physical distancing at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Bukod sa “manna” bags, isasama ang mga driver sa Caritas Salve na kooperatiba ng Caritas Manila upang matugunan ang kanilang livelihood.

Ayon kay Father Ciego, pinag-aaralan sa kasalukuyan ng mga manager ng Caritas Salve na tulungan ang mga jeepney driver maka-loan upang makabili ng modern jeep.

Nanatili pa rin ang pangamba ng mga tsuper ng traditional jeep na hindi na sila makapag-hanapbuhay dahil na rin sa isinusulong na modernization program sa pampublikong transportasyon.

- Newsletter -

Naunang inihayag ni Father Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, na kabilang sa long term solution ng Simbahan sa suliranin ng mga tsuper ang pagbuo ng kooperatiba para magkaroon ng pansariling pagkakakitaan.

Noong ika-13 ng Agosto, umabot sa 165 na jeepney drivers ang binigyan ng Caritas “manna” bags sa Tutuban, Tondo, Manila.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest